PANDAN, Catanduanes – Dinaluhan ng daan-daang residente ang pagbubukas ng bagong proyekto ng pamilyang Bernardino, ang ground-breaking ceremonies para sa bagong memorial park na itinaon sa pagdiriwang ng kaarawan ni gubernatorial candidate Araceli B. Wong noong ika-15 ng Abril.

Ang nasabing proyekto ay bunga ng isang karanasan ni Joseph Wong, ang tumatakbong alkalde ng nasabing bayan, kung saan masyado umano siyang nalungkot nang ilibing nila ang kanilang lola noong nakaraang taon. Wala umanong sistema ang pamamahala ng nasabing sementeryo at hindi rin organisado ang mga nitso. Ayon kay Joseph, karapatan din ng mga patay ang magkaroon ng disenteng destinasyon at lalo na, tungkulin ng mga naiwan ang bigyan ng maayos na libingan ang kanilang mahal sa buhay.

Dahil dito, hinimok umano niya ang kanyang nanay na i-donate ang may 15 ektarya ng lupain ng mga Bernardino kung saan ilang ektarya nito ang idi-develop para maging isang maayos na memorial park.

Noong nakaraang taon, pinasinayaan ng pamilyang Wong ang pagbubukas ng dalawang silid-aralan na kanilang ipinagawa sa loob ng Pandan Central Elementary School. Ayon kay Joseph, ang nasabing classrooms ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Phil-Chinese Chamber of Commerce and Industry kung saan kasapi ang kanyang ama.

Samantala, nakatutok sa unang limang proyekto ang pamamahala ni Joseph sakaling maupong bagong alkalde ng Pandan. Malaki ang nakikita niyang suliranin pagdating sa nutrisyon kaya iniisip niyang palawakin at payabungin ang gulayan at magtatag din ng cattle raising para magkaroon ng sariwang gatas ang mga matatanda lalo na ang mga bata.

Ikalawa sa prayoridad ni Joseph ay ang garbage control and recycling. Sa kasalukuyan, wala umanong dumpsite ang munisipyo at kailangang magkaroon ito sa lalong madaling panahon bago pa kumalat ang mga sakit at ipedemya.

Sa livelihood, balak ni Joseph maglikha ng aqua culturing kung saan strategic umano ang maraming lugar sa Pandan para sa pagpapalago ng mga tilapia at bangus. Ang deep-sea fishing ay nakikita din niyang magiging isang epektibo, kailangan lamang umanong maghikayat siya ng investors na popondo para sa nasabing proyekto.

Samantala, nasa listahan din ni Joseph ang pagpapaangat ng mga kagamitan, pasilidad at professional excellence sa Pandan District Hospital. Balak din niyang magtalaga ng professional medical workers sa malalayong barangay ng nasabing bayan.

Panghuli, ang mabuting pamumuno sa bayan ang isa pa sa kanyang ipatutupad. Isang hakbang dito ay ang pagtalaga ng mga tamang tao para sa tamang puwesto.

Ayon kay Joseph, maari niyang gamitin ang koneksiyon ng kanyang pamilya sa business industry para maghikayat ng mga grupong magiging kabahagi niya sa pagpapaunlad ng Pandan.

 

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal