|
06 May 2013
VIRAC, Catanduanes – Ipinagbigay-alam ng isang bokal sa pahayagang ito na maging siya at ang kanyang pamilya ay paksa na rin umano ng harassment at iba't-ibang mga banta mula mismo sa gobernador ng lalawigan na si Gov. Cua.
Ayon kay PBM Shirley Araojo-Abundo na ngayon ay tumatakbo bilang kagawad ng Virac, tumanggap umano siya ng tawag mula sa gobernador kung saan ipinahayag umano nito ang matinding galit sa kanyang mister na si Asst. Provincial Assessor Abelardo Abundo, Jr. na ngayon ay campaign strategist ng tambalang Wong at Verceles.
Sa telepono, pauna na umanong humingi ng paumanhin ang gobernador kay PBM Shirley sa maari nitong magawa sa kanyang mister.
Ang galit ni Cua ay nag-ugat umano sa isang black propaganda laban sa kanya kung saan pinagbibintangang utak ang mister ng bokal. Ngunit katwiran ni PBM Shy, anumang mga istilo sa kampanyang hinahawakan ng kanyang mister ay wala siyang kinalaman. Siya ay kandidato at abala rin sa pangangampanya kaya hindi umano makatarungang pati siya ay guluhin.
Binigyang-diin umano ni Cua sa telepono, "Hindi ako papasok sa laban na ito na walang kargada, kaya pasensiya na kung ano ang magawa ko sa asawa mo."
Kaugnay nito, nanawagan si Wong na sana ay huwag mabigyan ng masamang imahe ang pulitika sa Catanduanes. "Tayo na lang sa buong Bicol ang may mapayapang halalan, ingatan natin yon. Eleksiyon lang ito, walang kailangang masaktan. Lumaban tayo nang patas at iwasang maging marahas."
Noong April 25 dakong alas diyes ng umaga nang makipagkita ang isang nagngangalang Jessie Tornilla sa isang maintenance officer ng PEO na si Vicente Ariate, Jr. Sa report na inihain ni Ariate sa tanggapan ng pulisya, pinayuhan umano siya ni Tornilla na magtungo sa tahanan ng gobernador sa Capilihan. Ayon sa kanya, kinompronta umano siya ng gobernador bilang carrier ng umano'y nagkalat na flyers na naglalaman ng black propaganda laban sa Ama ng lalawigan.
Maliban dito, ipinaalam umano ni Cua kay Ariate ang kanyang galit sa political strategist na si Bic Abundo.
Samantala, bago ito, naaktuhan umano ng isang security officer ng gobernador na si Carlito Bernal ang isang lalaking nagngangalang Rogelio Tatel Jr. na namumudmod ng mga polyetos na naglalaman ng black propaganda laban kay Cua sa barangay Calatagan Proper dakong alas nuwebe ng gabi noong April 24. (RS)
More Articles...
- Vice-Gov. Teves, nagsalita na laban sa 'pakikialam' ni Gov. Cua sa kanyang opisina
- Simbahan, nanawagang piliin ang tamang pastol
- Four from Catanduanes are new lawyers
- SA ACQUISITION NG TEACHERS' UNIFORM: Mga guro, umaalma sa bagong patakaran ng DepEd
- 2 senatoriable, pabor sa responsible mining
- Proclamation ng Partido Liberal, dinagsa
- Grace Poe, sumama ang loob sa isyu ng pagiging ampon
- BICOLANO, no, 4 sa Bataan Death March Ultramarathon race
- Abundo, reinstated bilang alkalde
- 3rd Summer Trade Fair, to kick-off on March



















