|
23 December 2011
DAET, Camarines Norte, (PIA) -- Bibigyan ng pamaskong regalo ang 266 bilanggo ng Camarines Norte Provincial Jail (CNPG) sa Christmas party ng mga bilanggo na isasagawa bukas sa nasabing lugar.
Pangungunahan ito ng Provincial Custodial and Security Services Division (PCSSD) ng pamahalaang panlalawigan.
Ang 266 bilanggo ay tatanggap ng ibat-ibang regalo mula naman sa mga pribado at pampublikong paaralan, non-government organizations, religious groups, at iba pang indibidwal na nagbigay ng mga pamasko.
Sa isasagawang kasayahan, makakasama ng mga bilanggo ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay simula bukas hanggang sa susunod na araw.
Ayon kay officer-in-charge Reynaldo Pajarillo ng PCSSD, ito ay upang bigyan ng kasiyahan ang mga bilanggo at madama nila ang diwa ng pasko dahil minsan lang ito na dati ng isinasagawa tuwing taon sa buwan ng Disyembre. (MAL/ROV-PIA Camarines Norte).
- 27/02/2012 13:28 - Prov'l gov't, Virac LGU initiate weather proofed, green housing project
- 27/02/2012 13:27 - DOLE Bicol releases P.8M for livelihood
- 14/02/2012 15:29 - Pagrasay nin daga sa nagkapirang porsyon kan Albay, nairehistro huli sa raot nin panahon
- 14/02/2012 15:23 - DA pilots Sorsogon with automatic weather stations to enhance agricultural productivity
- 14/02/2012 15:21 - Pneumonia still top killer disease in Bicol – DOH
- 23/12/2011 10:19 - DTI, hindi palulusutin ang mga mapagsamantalang negosyante
- 23/12/2011 10:18 - NFA, siniguro ang supply ng Iron-fortified rice
- 23/12/2011 10:18 - Elderly at PWDs tumanggap ng tulong mula sa pamahalaang lalawigan
- 23/12/2011 10:17 - Lokal na pamahalaan nagbigay babala ukol sa paggamit ng mga paputok
- 23/12/2011 10:17 - Upgrade ng kalsada sa Masbate kabilang sa DPWH 2012 infra projects


















