LUNGSOD NG SORSOGON, (PIA) -– Tiniyak ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon provincial office sa publiko na hindi nila papayagang makalusot ang mapagsamantalang mga negosyante ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ito ang inihayag ni DTI Consumer Welfare Desk officer Evelyn Paguio matapos na magsagawa ang kanilang ahensya ng regular na pagsubaybay sa sitwasyon ng halaga ng mga bilihin ngayong panahon ng Pasko at nalalapit na Bagong Taon.

Aniya, hindi sila mag-aatubiling sampahan ng kaso ang sinumang mapapatunayang nananamantala sa mga panahong tulad nito kung saan mataas ang pangangailangan ng mga mamimili.

Muli din niyang pinayuhan ang mga mamimili na maging mapanuri sa pagbili ng mga produkto at tiyaking iisa lang ang makikita nilang price tag ng produkto, dapat din aniyang kung ano ang nakalagay sa price tag ay iyon din ang halagang babayaran nila at dapat ding nakapaloob na sa babayaran ang Value Added Tax (VAT) sa presyo ng produktong binili.

Paliwanag pa niya na dapat na maging maingat ang mga mamimili sa pagpili ng mga produkto at tiyaking de kalidad at hindi ito makakasama sa kanilang kalusugan. At upang makatiyak umano na magandang uri ang produktong mabibili ay hanapin ang Import Commodity Clearance (ICC) sticker sa produkto bilang katiyakan o garantiya na nainspeksyon at pumasa ito sa quality standard test bago ibebenta sa mga pamilihan. (MAL/BAR- PIA Sorsogon) 


Newer news items:
Older news items:

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

I Am With You Always
BPNews Team

SOLEMNITY OF THE MOST BLESSED TRINITY
(White) Cycle B, Year II (June 3, 2012)
Dt 4:32-34, 39- [ ... ]


Special Feature

New plot to the Philippines-Japan migration story
CARMELITA G. NUQUI and JEREMAIAH M. OPINIANO

JAPAN offers lots of memories —good and bad— to Filipinos, not just its rising sun th [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal