PILI, Camarines Sur, (PIA) -- Upang labanan ang malnutrisyon, siniguro ng National Food Authority o NFA dito sa lalawigan ng Camarines Sur, na mayroong sapat na supply ng Iron-fortified rice (IFR) ang mga pampublikong pamilihan.

Kinumpirma ito ni NFA Camarines Sur assistant provincial manager Nora Folosco sa isang panayam. Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ng Malakanyang na mapaunlad ang kalusugan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagbabawas ng kaso ng malnutrisyon sa mga lalawigan.

Matatandaan na ang Camarines Sur ay isa sa mga lalawigan na may mataas na incidence o kaso ng malnutisyon, partikular sa mga bata na may edad dalawang taon pataas. Tinututukan din ng nutrition program ng pamahalaan ang mga pre-school children, maging ang mga mag aaral sa elementarya na nasa malalayong barangay na mapataas ang kanilang mga timbang.

Ayon rin sa pag aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF, isa ang Bikol sa tatlong rehiyon na nasa priority ng pamahalaan upang matugunan ang problema sa malnutrisyon.

Bunsod nito ay mahigit 11,000 bags ng iron-fortified rice ang ibinagsak sa malalaking pamilihan dito sa Camarines Sur. Idinagdag pa ni Follosco na nitong nakaraang tatlong buwan ay nag laan ng 34,655 bags ng “Iron-rice” sa Bicol, kung saan 10, 950 bags dito ay ipinamahagi na sa mga pamilihan sa Camarines Sur hanggang ngayong buwan ng Disyembre.

Ang IFR ay kombinasyon ng premixed fortified grains at ordinaryong bigas. Ang isang araw na kunsumo nito na mula apat hanggang anim na tasa ng nilutong IFR ay sapat upang makamit ang iron requirement ng ating katawan.

Ito ay nakakatulong din upang mapalusog ang mga red blood cells, madagdagan ang pisikal at mental na abilidad, at nakakatulong upang maiwasan ang anemia. (MAL/LSM-PIA Camarines Sur) 


Newer news items:
Older news items:

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

I Am With You Always
BPNews Team

SOLEMNITY OF THE MOST BLESSED TRINITY
(White) Cycle B, Year II (June 3, 2012)
Dt 4:32-34, 39- [ ... ]


Special Feature

New plot to the Philippines-Japan migration story
CARMELITA G. NUQUI and JEREMAIAH M. OPINIANO

JAPAN offers lots of memories —good and bad— to Filipinos, not just its rising sun th [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal