Virac, Catanduanes - Matapos madiskubre ng DENR ang tambak na narra lumber sa lupa na pag -aari umano ni Punong Barangay Zaldy Idanan ng Caramoran at sa hindi masupil na pag transport ng mga retasong kahoy, nagdeklara ng all out war si OIC Luvimindo Chioko upang ipakitang seryoso sila sa kampanya kontra illegal logging.

Nitong ika-23 ng Hulyo nagpatawag ng presscon ang CENRO-PENRO upang ihayag ang kanilang saloobin hinggil sa patuloy na illegal na aktibidad sa kabundokan partikular sa bayan ng Caramoran.

Makailang beses na rin umano nila pinatawag ang ilang barangay officials para sa hearing subalit walang sumipot kahit isa. Ayon kay OIC Chioko maging sa oras sana ng operasyon ng DENR humingi sana sila ng asistensiya sa mga barangay officials ng Supang at iba pang katabing barangay subalit walang isa man lang na sumama sa kanila.

Magpapatawag pa umano sila ulit sa mga ito bago sila gagawa ng legal na hakbang laban sa mga barangay officials.

Maging ang mga pampublikong sasakyan na kinakargahan madalas ng mga kahoy o mga saku-saku na uling sinulatan narin nila na wag na itong ikarga pa.

Para umano mas lalo pang lumakas ang kampanya laban sa illegal logging muling magpapatawag ng meeting si PENRO Joquin Guerero sa Task force illegal logging bago matapos ang buwan ng Hulyo. (MS)

 

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal