|
07 August 2012
Virac, Catanduanes - Sa darating na 2013-2014 ganap na ang pagiging unibersidad ng Catanduanes State Colleges sa lalawigang ito.
Kinumpirma mismo ito ng Committee on Education na si Senador Edgardo Angara noong Hulyo 16, 2012.
Ayon kay Senador Angara aprubado na umano ito sa senado sa noong ika-6 ng Hunyo bago magtapos ang session. Sa Hulyo 23,2012 magpapatuloy ang kanilang session para dinggin ang 134 proposed measure na may kinalaman sa edukasyon.
"The creation of new schools, renaming of existing ones, or their conversion into independent units. More than half of our population consists of young people 25 years and younger—35 percent are even not older than 14 years. Many of our youth are still in school, ripe for learning and training. This means that the investments in education we make today will, to a large extent, define the future of this young people and of our country," ayon sa pahayag ni Angara.
Matandaan noong nakaraang Hunyo 19, 2012 sa ginawang panayam ng pahayagang ito kay CSC President Minerva Morales, sinabi nitong kinumprma sa kanya ni Congressman Cesar Sarmiento na lusot na sa second reading ang nasbing bill sa senado.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Morales kay Congressman Sarmiento at sa bawat individual na tumulong para maisakatuparan ang conversion ng CSC patungo sa pagiging University.
Sakaling maging batas ito, ang paaralan ay tatawaging Catanduanes State University. (MS)
- 07/08/2012 22:30 - DENR all out war vs. illegal logging
- 07/08/2012 22:26 - Ekipahe ng ERR construction, kinumpiska ng alkalde
- 07/08/2012 22:25 - Mayor Abundo bumaba na sa pwesto
- 07/08/2012 22:25 - Vice Gov. Teves, hindi pa tiyak kung ano ang target sa darating na eleksyon
- 07/08/2012 22:25 - Succesor ni Mayor Abundo, lilipat na sa Liberal Party
- 07/08/2012 22:24 - 75 anyos na lola, muntikang mabiktima ng holdaper
- 07/08/2012 22:23 - Moonwalk pinag-aaralang maging isang barangay
- 07/08/2012 22:23 - Implementasyon ng dress code sa mga tricycle drivers inalmahan
- 07/08/2012 22:22 - Substandard na helmet, huhulihin na ng DTI
- 07/08/2012 22:22 - TESDA planong sampahan ng kaso ang isang opisyal ng PNP



















