|
23 December 2011
Virac, Catanduanes - Isang resolution-ordinance ang inihain sa Sangguniang Panlalawigan ng isang bokal upang bigyan ng cash incentives ang mga top ten board passers mula sa mga paaralan sa lalawigan ng Catanduanes.
Sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlalawigan noong lunes inilatag ni PBM Jose Sonny Francisco ng West District ang kahalagahan ng pagbibigay ng cash incentives sa mga studyante upang magumikap na makapasa sa kani-kanilang kurso.
Layunin umano nito upang maging hamon sa mga studyante na mapanatili ang magandang performance rating sa mga naunang mga nakapasa tulad sa mga kursong Engineering, Nursing. Midwifery at Education at iba pang kurso na nagbigay ng malaking karangalan sa Catanduanes State Colleges.
Sakaling maaprubahan ang panukala tatanggap ng P300,000.00 pesos ang top one, P200,000.00 ang top two, at P100,000.00 pesos ang top three.
Kasama sa mga kursong bibigyan ng parangal yaong mga merong apat hanggang limang taon kaya ng Engineering, Nursing at Education. Samantala sa mga dalawang taong kurso na makakapasa sa licensure examinations tulad ng Midwifery at iba pang two year courses, tatanggap ang top one ng halagang P100,000.00 pesos, top two P75,000.00 pesos, top three P50,000.00 at ang top 4 to 10 ay tatangap naman ng P 25,000.00 pesos ang bawat isa.
Mag lalagay din ng mga tagapangasiwa ng komite para sa pagpapatupad ng mga batayan at kautusan sa sinumang kwalipikadong tatanggap ng cash incentives.
Ang gobernador ang itatalagang chairman, co-chairman ang besi gobernador samantalang magiging miyembro ng komite ang chairman sa committee on education kasama ang pangulo ng tertiary at post-secondary schools.
Sakop lang ng panukala ang ang lahat na graduate ng Catanduanes at hindi kasama ang mula sa ibang probinsya na nag-aaral lamang sa Catanduanes. Pinagbatayan ng proponent na si Francisco ang matagumpay na performance ng Catanduanes State Colleges matapos makuha ang unang tatlong pwesto sa Civil Engineering Licensure board exam noong buwan ng Nobyembre.
Samantala, nilinaw ng opisyal na sasakupin lang ng panukala sakaling maaprubahan ay ang mga maswerteng makakakuha ng naturang mga antas simula sa susunod na taon at hindi kasama rito ang mga nakapasa ngayong taon. (Marlon Suplig)
- 14/02/2012 15:28 - FICELCO: Power rates remain below P11 per-kilowatt-hour
- 14/02/2012 15:24 - OPPAP extends livelihood assistance to former NPA rebels
- 14/02/2012 15:20 - Policemen to plant 6 trees monthly until 2013 in support of greening program
- 23/12/2011 10:07 - Catanduanes, ikaapat sa may pinakamataas na bilang ng aids sa Bicol
- 23/12/2011 10:07 - “Bicol Express” umarangka muli
- 23/12/2011 10:06 - Transparency hangarin ng isang bokal sa mga proyekto ng Catanduanes
- 23/12/2011 10:06 - Supply ng bigas sa bicol region, sapat - NFA
- 23/12/2011 10:05 - Binata, nahulog sa ikatlong palapag, patay


















