|
23 December 2011
LEGAZPI CITY – Pormal ng bumiyahe ang tren na tinaguriang “Bicol Express” mula sa Tutuban Central Station sa Divisoria, Maynila noong Miyerkules (Disyembre 7) ng gabi patungong Polangui, Albay.
Ayon kay Gobernador Joey Salceda ng Albay ang nasabing biyahe ng “Bicol Express” ay tiyak na makapagdudulot ng mabuting epekto sa ekonomiya sa buong rehiyong Bico.
Umaasa rin ang gobernador na maganda ang panimula ng biyaheng Albay ng tren matapos itiaon ito noong Disyembre 8 sa piyesta na Our Lady of the Immaculate Conception na magbibigay basbas para maging matagumpay ang simulaing pangkaunlaran sa larangan ng transportasyon sa lalawigan.
Ang muling pagbiyahe ng tren patungong Albay ay inaasahang makakatulong ng malaki sa pagpapalago ng kalakalan, turismo, at iba pang industriya sa Bicol.
Pinapurihan naman ng Gobernador si PNR general manager Junio “Jun” Ragragio sa pagpupursigeng maibalik ang serbisyo ng “Bicol Express” at maisakatuparan ang nasabing “explorer run” ng tren sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.(PIA)
- 14/02/2012 15:28 - FICELCO: Power rates remain below P11 per-kilowatt-hour
- 14/02/2012 15:24 - OPPAP extends livelihood assistance to former NPA rebels
- 14/02/2012 15:20 - Policemen to plant 6 trees monthly until 2013 in support of greening program
- 23/12/2011 10:08 - Cash incentives sa mga top ten board passers, ipinanukala sa SP
- 23/12/2011 10:07 - Catanduanes, ikaapat sa may pinakamataas na bilang ng aids sa Bicol
- 23/12/2011 10:06 - Transparency hangarin ng isang bokal sa mga proyekto ng Catanduanes
- 23/12/2011 10:06 - Supply ng bigas sa bicol region, sapat - NFA
- 23/12/2011 10:05 - Binata, nahulog sa ikatlong palapag, patay
- 23/12/2011 10:05 - House Committee approves AKB bill on motorcycle safety
- 23/12/2011 10:04 - Mansion ng yumaong Bb. Pilipinas International 2009, nasunog


















