Panganiban, Catanduanes - Nais tiyakin ni dating Alkalde at  ngayon at ABC  President Gregorio  E. Angeles  ang good governance at transparency sa lahat ng project na dadaan sa Sangguniang Panlalawigan.

Maging ang sistema umano ng bidding sa mga project kailangan ihayag ito sa publiko. Nag simula ang ganitong mithiin dahil sa on-going construction ng Mall kung saan hindi umano nila nakita ang program of work nito.

Ayon pa kay Angeles,  nais niya umanong gampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan. Dapat umanong maunawaan siya ng kanyang mga kasamahan dahil gusto niya lang na magamit sa tama ang pera ng probinsiya at para na rin umano ito sa ikabubuti ng lahat.

Matapos man umano ang kanilang termino, wala silang pananagutan sa sinu man. Binigyang diin ng bokal na panahon na umano upang sakyan ang panawagan ng pangulong Aquino sa  battlecry nitong matuwid na daan.

Binanggit din ng opisyal ang pagbisita sa lalawigan  ni Secretary Jesse Robredo ng DILG noong foundation ng Catanduanes  at ipinanawagan nito  ang tapat na pamamahala sa bawat empleyado ng pamahalaan.

Ipinarating ni PBM Angeles ang nasabing mithiin sa mabuting pamamahala at pagiging bukas sa mga dokumento ang pamahalaan sa ginanap na regular session noong Desyembre 5,2011.

Sinang-ayunan naman ni Besi Gobernador Bong Teves ang naging pahayag ni PBM Angeles. Dapat lang umano na magkaroon ng transparency at bukas ang pamahalaan sa lahat ng transaksyon lalo pa’t pera ng bayan ang pinag-uusapan.

Samantala, ayon naman sa presidente ng United Katandunganon Against Crime and Corrption (UKAG) na si Ed Rodolfo,  dapat na umanong mamulat ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na itaguyod ang matuwid na pamamahala, dahil pera rin naman ng taong bayan ang ibinabayad sa kanila bilang mga public servant.

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

I Am With You Always
BPNews Team

SOLEMNITY OF THE MOST BLESSED TRINITY
(White) Cycle B, Year II (June 3, 2012)
Dt 4:32-34, 39- [ ... ]


Special Feature

New plot to the Philippines-Japan migration story
CARMELITA G. NUQUI and JEREMAIAH M. OPINIANO

JAPAN offers lots of memories —good and bad— to Filipinos, not just its rising sun th [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal