|
23 December 2011
Virac, Catanduanes - Tiniyak ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) na hindi kakapusin ng bigas ang bicol kahit may mga ilang lugar sa Camarines Sur na apektado ng mga kalamidad at pagbaha nitong mga nakaraang mga araw.
Ayon kay Regional Director Piolito C. Santos, kasama sa kanyang pakay sa unang pagbisita sa catanduanes ay upang tiyakin ang food security at tinganan din kung papano pinapatakbo ng mga empleyado na NFA lalo na ang distribution sa mga retailers at procurement sa mga farmers.
Aniya sa ngayon mayroong 60,000.00 na sako ng bigas at 12,000.00 na palay ang naka- imbak sa bodega ng NFA at sakaling kulangin pa umano ito nakahanda umano silang magpadala mula sa mainland upang matugunan ang pangangailangan lalo na ngayong darating na pasko.
Maliban umano sa programa ng NFA na I-Rice, may proposal na umano ang kanilang tanggapan na magtatayo sa virac ng karagdagang warehouse na may kapasidad hanggang 100,000.00 sakong bigas maging ang binabalak na isang malaking rice mill na may five tans per hour ang capacity para laging handa ang NFA sa anumang dami ng palay na maaring mabili ng NFA dtto sa catanduanes.
Ang nasabing warehouse ay itatayo , bunga na rin di umano ng pagtaas ng procurement ng palay dito sa rehiyon. Plano rin ng NFA na maglagay ng warehouse sa Pandan upang kapag nagkaroon ng kalamidad at maapektuhan ang pangunahing daan sa probinsiyang ito, hindi na umano mahihirapan ang mga nasa malayo sa kanilang kakainin.
Hindi narin umano dadaan sa Virac ang mga bigas na dadalhin na deretsu ito sa bayan ng Pandan mula sa Tabaco. Samantala, pinuri naman ng opisyal ang NFA manager na si Mr Oscar Tubalinal dahil sa galing nito sa pamamahala. Sa buong bikol umano malaki ang naging kuntribusyon ng Catanduanes sa pagiging number one (1) sa pag benta ng i-rice sa buong rehiyon. (MS)
- 14/02/2012 15:20 - Policemen to plant 6 trees monthly until 2013 in support of greening program
- 23/12/2011 10:08 - Cash incentives sa mga top ten board passers, ipinanukala sa SP
- 23/12/2011 10:07 - Catanduanes, ikaapat sa may pinakamataas na bilang ng aids sa Bicol
- 23/12/2011 10:07 - “Bicol Express” umarangka muli
- 23/12/2011 10:06 - Transparency hangarin ng isang bokal sa mga proyekto ng Catanduanes
- 23/12/2011 10:05 - Binata, nahulog sa ikatlong palapag, patay
- 23/12/2011 10:05 - House Committee approves AKB bill on motorcycle safety
- 23/12/2011 10:04 - Mansion ng yumaong Bb. Pilipinas International 2009, nasunog
- 15/12/2011 09:41 - Taunang Christmas Cheers kasado na
- 15/12/2011 09:38 - Revenue Code ng Caramoran, patuloy na ipapatupad sa kabila ng bigong makalusot sa SP


















