|
23 December 2011
Virac, Catanduanes - Hindi na umabot sa Pasko ang buhay ng isang binata matapos itong aksidente itong mahulog sa ikatlong palapag ng White House Building noong Nobyembre 3, 2011 sa barangay Salvacion, Virac, Catanduanes.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rommel Tejada, 21 anyos, binata at nakatira sa barangay Salvacion, sa bayang ito.
Sa ginawang imbestigasyon ng Virac MPS, natutulog diumano ang biktima sa 3rd floor room kasama ang ilang kaibigan. Nag-inuman umano ito kinagabihan bago nangyari ang insidente.
Posible diumano na lumabas sa kwarto ang biktima para umihi dahil bukas na ang pintuan sa kwarto ng 3rd floor kung saan parte nahulog ang biktima.
Meron umanong nakapansin sa biktima na nakahandusay sa gitna ng daan dakong alas 4:30 ng madaling araw. Inakala umano ng ilang residente na posibleng lasing ang biktima nang masagasaan.
Sa follow-up ng Bicol Peryodiko, kinumpirma ng pulisya na walang foul play sa nangyari at isa itong aksidente . (MS)
- 23/12/2011 10:08 - Cash incentives sa mga top ten board passers, ipinanukala sa SP
- 23/12/2011 10:07 - Catanduanes, ikaapat sa may pinakamataas na bilang ng aids sa Bicol
- 23/12/2011 10:07 - “Bicol Express” umarangka muli
- 23/12/2011 10:06 - Transparency hangarin ng isang bokal sa mga proyekto ng Catanduanes
- 23/12/2011 10:06 - Supply ng bigas sa bicol region, sapat - NFA
- 23/12/2011 10:05 - House Committee approves AKB bill on motorcycle safety
- 23/12/2011 10:04 - Mansion ng yumaong Bb. Pilipinas International 2009, nasunog
- 15/12/2011 09:41 - Taunang Christmas Cheers kasado na
- 15/12/2011 09:38 - Revenue Code ng Caramoran, patuloy na ipapatupad sa kabila ng bigong makalusot sa SP
- 15/12/2011 09:34 - 105 anyos na mag-asawa malakas at masaya pa ring nagsasama


















