|
23 December 2011
Daraga, Albay - Inabot ng dalawang oras bago naapula ang apoy matapos masunog ang mansion ng pamilya ni Melody Adelaida Manuel Gersbach noong Linggo, Disyembre 4 sa Quilicao, Daraga, Albay.
Sa report na ipinaabot ni Chief of Police Nilo Berdin, ng Daraga PNP, bandang alas-9:15 ng gabi ng makita ng mag-asawang Gersbach na nasusunog na ang kanilang bahay.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nag-over heat ang electric fan sa kwarto ni Mr. Jimmy Gersbach na siyang pinanggalingan ng apoy.
Matatandaang si Melody Gersbach ang nahirang bilang Mutya ng Magayon Festival 2008, Miss Bicolandia 2008 at Binibining Pilipinas International 2009. Nakasama si Gersbach sa top 15 ng 49th Miss international pageant sa Macau China noong 2009.
Sa edad na 24, binawian ng buhay ang Bicolana Beauty matapos masangkot sa aksidente sa sinasakyan nitong Toyota Innova noong Agosto 21, 2010 matapos bumangga sa isang pampasaherong bus sa Barangay Pawili, Bula, Camarines Sur.
- 23/12/2011 10:07 - “Bicol Express” umarangka muli
- 23/12/2011 10:06 - Transparency hangarin ng isang bokal sa mga proyekto ng Catanduanes
- 23/12/2011 10:06 - Supply ng bigas sa bicol region, sapat - NFA
- 23/12/2011 10:05 - Binata, nahulog sa ikatlong palapag, patay
- 23/12/2011 10:05 - House Committee approves AKB bill on motorcycle safety
- 15/12/2011 09:41 - Taunang Christmas Cheers kasado na
- 15/12/2011 09:38 - Revenue Code ng Caramoran, patuloy na ipapatupad sa kabila ng bigong makalusot sa SP
- 15/12/2011 09:34 - 105 anyos na mag-asawa malakas at masaya pa ring nagsasama
- 15/12/2011 09:32 - Benepisyaryo ng Conditional transfer, dinagdagan
- 15/12/2011 09:30 - SP , nirekomenda ang solusyon sa brownout


















