Dahil sa storm surge, 16 bahay nawasak

Uncategorised
Typography

Caramoran, Catanduanes – Umaabot sa 16 na kabahayan ang nawasak dahil sa storm surge kasabay ng high tide sa kasagsagan ng habagat.
Nangyari ang storm surge simula alas 5 hanggang alas 7 ng gabi
noong Setyembre 18 hanggang 22, 2013 sa Barangay Tubli sa bayang ito.

Ito ang kinumpirma sa Bicol Peryodko (BP) ni Municipal Social Welfare & Dev’t Officer (MSWDO) Elena Dela Rosa.

Sa panayam ng BP, sinabi nito na umaabot sa kabuuang 330 miyembro ng pamilya ang naapektuhan ng storm surge at high tide kung saan 72 dito ay padre de pamilya, habang 62 kabahayan naman ang partially damage.

Umaabot naman sa 81 ang kabuuang miyembro ng pamilya ang talagang naapektuahn at nawalan ng kabahayan na malapit sa gilid ng dagat.
Agad naman namigay ng mga bigas, delata, kape, asukal at iba pang pangangailangan ang lokal na pamahalaan.

Samantala, sobra namang nalungkot si Tubli Punong Brgy. Honorio Palero dahil sa naturang pangyayari.

Aniya, pinangakuan diumano ito ni Congressman Cesar V. Sarmiento ng P10 milyon para sa construction ng sea wall subalit hanggang ngayon hindi pa naisasakatuparan ang proyekto. Malaki sana umano ang tulong nito sa kaniyang mga kababayan lalo’t higit kung umaatake ang malakas na panahon.