|
03 October 2011
Isang maalab na pagbati sa ating mga kaperyodiko sa Bicol Region kung saan nababasa na ang pahayagang ito maging sa bicolperyodiko.com kung saan daily ang update ng mga news sa rehiyon. Ako'y natutuwa at parang kailan lang, tila isang malalim lamang na panaginip ang maging isang kolumnista sa isang pang masang pahayagan sa bicol region, subalit saradong limang taon na pala tayong nagsasama ngayong Oktubre 25..hikhikhik! Limang taon na tayo mga Kaperyodiko! klap! klap! Klap!
Salamat sa Poong Paykapal at nagkakasama tayo at nagkukuwentuhan linggo-linggo at naway ipagdasal natin na patuloy na buhay ang Bicol Peryodiko bilang isa sa mga sources of information ng Caandunganon at mga Bicolano. okey? Dokie..
***********
Napapadalas yata ang pagtungo ni House Majority Floor leader Neptali Gonzales sa Catanduanes. Noong Martes, nagtungo ang naturang opisyal para sa ground breaking ng itatayong building sa Bto saan siya ang panauhing pandangal. Tila meron akong nababanaagang political interest na kalaunay posibleng magkakatotoo. Tingnan natin sa 2013.
Anyway, walang problema kasi malaking tulong ang kanyang ginawang pagbibigay ng pondo sa naturang proyekto na makakatulong sa problema ng mga mag-aaral. Harinaway, hindi lang sa bayan ng Bato, kundi sa iba pang bayan sa lalawigan ng Catanduanes. Bakit ang kongresista mula sa ibang lugar gumagawa ng ganito, how about sa atin? Bakit multipurpose la-ang imbes na classroom?..hikhikhik! Konti ba ang porsiyento sa classroom kaysa sa maraming purpose? Nagtatanong la-ang.. hikhikhik!
***********
Siguro kailangan ng konting agresibo ng bagong talagang pinuno ng military sa Catanduanes. Bakit ika niyo? Eh halos sunod sunod ang mga nangyayaring kababalaghan ng mga NPA maging ang pamamaril ng isang military sa sibilyan? Ano ba ito isolated o interrelated. Baka naman sinusubok la-ang si Sir kung gaano siya kabagsik? Bakit noong si Col. Aquino pa an nandi-diyan eh tila naging tahimik ang usapin sa ambush at iba pang aktibidad ng NPA? Sana maimbestigahan ng maigi ang pamamaril sa isang sibilyan dahil tila inilalagay na ng kanyang mga tauhan ang batas sa kamay? Nagtatanong lang po Sir. Bakit?
***********
Sino itong isang member of the bar na umano'y humihingi ng 156,000 pesos bilang grease money para mapadali umano ang litigation sa isang akusado na merong kasong murder.
Ayon sa ating bubuwit, nagtanong umano ang kapamilya ng biktima ng pamamaril kung papano mapapadali ang kaso at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kapatid na binaril ng isang alagad ng batas kamakailan sa bahagi ng Caramoran. Nag starstruck umano ang kapamilya ng banggitin ang katagang ____ libu libo? hikhikhik! Para naman siyang nanalo sa "money many prizes"..hikhikhikhik!
Ang masaklap lamang dito kasi ang member of the bar na dapat siyang may mandatong bigyan nghustisya ang mga kaanak ng biktima ay sakop ng Civil Service Commission..hikhikhik! Ibig sabihin, abugado ng pamahalaan.
Eh sa pag-aakala ko hindi dapat bayaran ang member of the bar na ito dahil trabaho nilang gampanan ang pagiging dalubhasa sa batas partikular ang mga biktima ay nilabag ang kanilang karapatang pantao.
Siya ay si kuwan lalake na mala Adonis ang dating..hikhikhik! Abangan sa mga susunod na kabanata.
Kita kitzzzz kaperyodiko!



















