Malapit na ang Oktubre 24, ang kaarawan ng BP kung kaya't nais nating pasalamatan ang mga kaperyodikong patuloy na tumatangkilik sa pahayagang ito. God Bless Catanduanes. Abangan niyo dahil tila mamimigay na naman di umano ang BP ng souvenir t-shrts.. hikhikhik! relaks kaperyodiko!

****

Nagsasagawa na pala ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights kaugnay sa pagkamatay ng isang residente ng Milaviga, Caramoran dahil sa pasaway na alagad ng batas na inilagay ang batas sa kanyang mga kamay.

Sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng naturang civilian at maparusahan kung talagang nagkasala ang salarin sa pamamaslang.

Tapos na ba ang ang sinasabing imbestigasyon ng bagong pinuno ng militar sa Lictin. May resulta na ba? Sana naman mailabas nain sa media para hindi mawalan ng tiwala ang taong bayan sa ganitong uri ng mga pang-aabuso sa karapatan at buhay ng mga mamamayan.

HIndi lamang kasi sa Catanduanes nangyayari ang ganitong uri ng krimen. Maging ang mga pinaghihinalaan na mga NPA sa bahagi ng Albay, tila nauuso ang ganitong mga eksena.

***********

Nais nating kalampagin si Chief of Police Rojas ng San Andres, Catanduanes PNP dahil sa kanilang walang saysay na check point sa kahabaan ng Belmonte hanggang Lictin.

Hindi natin alam kung "just for compliance" o pakitang tao lamang ang ginagawang pagsita ng kanyang mga tauhan sa mga motorista lalo na sa mga jeepneys na dumadaan.

Simula sa pier, halos tila christmas tree ang mga sasakyan ng Calolbon-Virac route dahil maging sa hulihan, sa topload, tagiliran ng sasakyan namumulupot ang mga pasahero at halos hindi na nga makahinga ang mga kawawang pasahero sa loob kasi ang sabi ng konduktor at driver sampuan o dose ang capacity. Pero kung titingnan mo halos parang mga isda na at hindi na makahinga ang mga pasahero dahil pilit na pinagkakasya ng mga opurtunistang driver sa kabila ng hindi na kasya.

Saan ba ibinase ang capacity niyo mga abuserong drivers? sa singko anyos o dos anyos na pasahero? Kawawa naman lalo na ang mga babae at matatanda maging ang mga turista.. Nakakahiya kayo samantalang naturingang mga frontliners at hindi man lang desente ang suot! May kili-kili power pa..yakkkkk!

Ang siste, pagdating sa Belmonte mga kaperyodiko, pabababain muna ang mga nasa top load at makalampas sa checkpoint, balik sa topload ang mga pasahero hanggang Virac..hikhikhik!

Naisahan ba ang mga lispu o sadyang iniinsulto kayo? Matalino man kasi ang matsing.. still matsing parin..hikhikhik!

Dapat gumawa ng estratihiya ang PNP para madisiplina ang mga pasaway na driver na ito na halos kung magpaharurot tila walang kamatayan at santo rosario na ang hawak ng mga pasahero para hindi mahlog sa bangin.

Nasaan din ang PNP Virac, kung bakit hindi rin ito masita pagdating sa kanilang teritoryo?

GISING COP ROJAS AT COP OLALIA!!!!!!!

Add a comment

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal