Sa darating na Setyembre, bawal na umano ang pekeng helmet..hikhikhik! Kung ganun, magiging malinis na ang mga pangunahing daan sa Virac dahil halos 90% umano ng mga nagmomotorsiklo ngayon ay peke ang helmet..hikhikhik!

Kung sa LTO penalty ang aabutin mo kung wala kang helmet, sa DTI kung merong kang helmet at peke, penalty pa rin..hikhikhik! Sabi ni Osong,, eh wag na lang mag-helmet kung ganun..hikhikhik!

Maganda naman ang hakbang na ito ng DTI dahil para rin ito sa proteksyon ng mga nagtitinda ng original. Ang problema kung ang mga tindahan ang merong peke, siyempre pati mga costumer ay may peke.. Sino kaya ang manghuhuli? Eh meron din akong nakikitang mga pulis, wala ngang helmet, kung may helmet din, parang suot ng construction workers..hikhikhik! Good luck sa DTI.

**********

Ayaw daw pala magbayad ng ERR construction na kumokontrata sa patrabaho patungong Caramoran dahil peke rin ang Ordinansa ng LGU Caramoran tungkol sa quarry..hikhikhik! Nauuso ang mga peke ngayon.

Tila nagkakainitan ngayon sina Mr. and Mrs. Mayor Popa at Mr. and Mrs. Mayor Rodriguez. Caramoran vs. Bato..ang labanan pala ngayon. Abah, eh baka gustong magpalitan ng munisipyo ang mga ito sa susunod na halalan..hikhikhik!

Nakarating na pala sa Ombudsman ang laban ng dalawa. Kaya't hintayin natin ang paghuhusga. Sigurado akong merong talo, kaya't aabangan natin ang isyung iyan. hikhikhik! Ang sabi ni Osong, ang kontraktor ay galit sa kapwa kontraktor..hihikhikhik!

***********

Tama ang ginawa ni Mayor Abelardo Abundo sa pagbaba nito sa pwesto para maiwasan ang posibleng tension sa bayan ng Viga. Anyway, isang taon na lang naman, pwede na namang lumaban ang alkalde sa parehong pwesto. Ang makakalaban di umano ni Mayor Abundo ay si PBM Roger Pereyra at si Mayor Tarin. Three cornered fight at baka makipagsiksikan pa si dating Mayor Jose Torres.

 

Add a comment

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal