|
08 May 2013
Sino kaya ang magaling na abugado na nag-advice na ipadeport sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) instead of filing a case para madeklarang alien si gobernador Joseph Cua? Hikhikhik!
Matapos ibasura ng BID, ngayon, merong, isang Lucero ang naghain ng reklamo laban sa pamilya Cua on the ground na illegal o kwestyunable di umano ang mga dokumento ng mga ito bilang born again Filipino citizens,,este.. Converted.. este..Naturalized Filipino citizens..hikhikhik! Kung dati si gobernador lamang, eh ngayon, tila lahat ng pamilyaa, kinukwestyon ang naturalization..hikhikhik!
Ito dapat ang tamang step na ginawa noong una at hindi ang tinatawag na jumping into conclusion sa BID..hikhikhik! Barking-up the wrong tree ang tawag dito, ayon sa mga teachers. Sa ginawang pagpasaklolo sa BID bago sa korte, tila nagsayang lamang ng pera ang mga ito at kumita lamang doon ang mga nakisawsaw..hikhikhik
You are putting cart ahead of the horse, ika nga..hikhikhik! Eh malapit na ang election, ngayon pa lamang nagsampa ng kaso, eh, kung gusto ninyong ipadiskwalipika ang gobernador maging si San Pedro ng San Andres, eh, tila too late the hero na kasi mahabang proseso ang ginugugol sa hearing..hikhikhik!
Anyway, late is better than never, ika nga..hikhikhik! Malay natin sa last two minutes desisyunan ang kaso, panalo niyan ang Ginebra kung si Jaworski ang pag—uusapan, dahil kahit segondo na lamang, ang sabi ni Jaworski, bilog ang mundo..este, bilog ang bola..hikhikhik! Kahit 3 points, maraming posibilidad pa.
Kung sabagay, hindi man mangyari bago ang election, eh kung mananalo ulit si Cua,, eh advantage kay bise gobernador Teves o sa magiging topnotcher ng SP..hikhikhik! Hayahay.. Eh kung hindi mapatunayan, eh, posibleng balikan din ang mga nagkaso dahil sa atraso..hikhikhik!
Ang issue dito ay ang usapin hinggil citizenship ng mga magulang nina governor Otep at San Pedro na ang pangalan di umaano ay Fernando So Chua at hindi ang ginamit sa BID na Fernando Cua..hikhikhik! Umano'y, Fraudulent ang nangyari kung kaya't muli nilang susubuking mapakinggan ito sa korte.
Kung sabagay, hindi naman denideny ng Cua family na certipikado lamang silang Filipino at hindi natural born Filipino..hikhikhik! Naging Filipino ang mga anak batay sa tinatawag na derivative naturalization. Dahil nabigyan ng naturalization mula sa pagiging Chinese ang mga magulang, kasabay ito ang mga anak na mababa sa 18 taong gulang. Sila rin ay merong karapatan na manirahan sa Pinas pareho ng mga karapatan ng mga naninirahan at citizen dito.
May prohibition lang naman sa public office, hindi sila pwedeng kumandidatong kongresista pataas, kaya't hanggang gobernador lamang. Pagbigiyan niyo na nga, kahit hanggang gobernador lang,,hikhikhik!
**************
Wala pang deklarasyon hanggang ngayon kung sino ang papanigan ni bise gobernador Bong Teves sa pagkagobernador. Ayon sa impormasyon, tila naninimbang pa kung sino ang malapit sa kanyang puso..hikhikhik!
Ayon sa ilang political analysts sa Islang Kayganda, merong advantage kung sino kina Cua at Cely Wong ang makakakuha ng simpatiya ng bise. Bakit, ika niyo? Eh, una malaking tao si bise, 250 pounds siguro? Hikhikhik!
Pwera Biro, malaking factor si BG Teves dahil sa mga kaakibat nitong pwersa na madaling mai-covert sa boto. Una miyembro ito ng ilang fraternity na siya ang kinikilalang ulo, ikalawa, marami naring natulungan ang huli na malaki ang pasasalamat sa bise, ikatlo, almost pitong incumbent mayors ang bitbit nito na malaki ang magiging ambag sa conversion ng boto.
Anumang oras umano ay pwedeng mag-aanounce na ng kanyang pambato sa pagiging gobernador, kung kaya't maraming nag-aabang dito. Wala na ngang kumukurap, kaya't marami na ang excited.
***********
Nitong nakaraang lunes, Abril 22, nagpasaring na pala ng kanyang hinanakit si BG Teves kay gobernador Joseph Cua, kaugnay sa umano'y tila pinanghihimasukan na ng gobernador, ang mga papel na dapat nakaatang sa kanya? Hikhikhik!
Ang tanong, ito na ba ang deklarasyon na tila napupuot na rin ang Bise laban sa kanyang sparring partner?Ang privilege speech ng bise dahil sa umano'y mga casuals sa SP na hanggang ngayon ay walang sahod simula Enero dahil sa bagong memorandum na ipinalabas ng gobernador na nililimitahan ang papel ng bise.
Aniya, sa nakalipas na mga taon, eh, buo ang kooperasyon nila sa Cua administration, subalit sa hindi malamang kadahilanan, tila biglang lumiko ang landas nila sa naturang sitwasyon. Hikhikhik! Sinabi ng bise gobernador na gusto niya na merong independence ang SP..hikhikhik! Aba, tila nakagapos yata, kaya't gustong magkawala sa hawla..hikhikhik!
Aabangan natin ang mga susunod na kabanata mga kaperyodiko dahil, nangangamoy melon na ang kapaligiran habang papalapit na ang halalan...hikhikhik! Melon, hindi pagkaka-intindihan..
Kita kitzzz kaperyodiko



















