|
15 December 2011
Kelan kaya matatapos ang matagal na inaantay na Mall ng Catanduanes? Marami kasi ang expectation na parang makakakita na ang mga mamamayan ng mala SM? hikhikhik! Ang mahirap nito kung ang inaakalang SM maging Segunda Mano (SM) lamang kagaya ng laban ni Pacman at Marquez na naging laban lamang ng mga bakla..hikhikhik!
Dapat impressive ang disenyo para social na rin ang dating ng mga kababayan, lalo pa’t marami ang nag-aabang sa mala divisoria at mala Gaisanong pamilihan..hikhikhik! Ang mahirap niyan baka ang makikita lamang natin ay ang mga dating manininda sa public market..hikhikhik! lumipat lamang ng pwesto, kaya’t posibleng maging mahal pa ang presyo kasi medyo lalaki ang kanilang babayaran..hikhikhik!
Anyway, giving the benefit of the doubt, I can’t wait to see the mall ng Catanduanes. Nasaan na yong LCC na balak sanang magpatayo ng mall sa Catanduanes. Marami kasi doon ng mga pagpipilian at patok sa masa ang mga paninda. Sana pumasok pa rin sila sa Catanduanes para tao ay Masaya, merong competition..hikhikhik!
Pero ako, choice ko pa ring puntahan ang matagal ng nakagawian.. at ang laging binabalik-balikan..ang Century Family Mall. Sulit talaga ang pamimili. Merry Christmas kay Manager Francis Habla.
***********
Tila natatalbugan ni Ginang Arroyo si Nora Aunor sa Acting..hikhikhik! Tila matindi ang kanyang mentor na si FG..as in… pang Famas ang Galing (FG)..hikhikhik! Tila robot na ngayon si aleng Goleng at tila nakakaawang tingnan, subalit tila hindi naaawa si de lima dahil gusto ni delima at P-noy, mamatay siya sa sariling bayan at hindi sa ibang bayan..hikhikhik!
Di ba si Rizal, hinarap niya ang kamatayan maging si Ninoy, umuwi siya para mamatay, subalit baliktad si CGMA kasi gusto niyang mamatay sa sakit sa Singapore at hindi sa Luneta o sa Tarmac..hikhikhikhik!
Baka gusto na kasing magpa convert ni CGMA sa pagiging robot sa ibang bansa dahil kahit mabilanggo siya, hindi niya mararamdaman ang bigat ng kanyang kalooban dahil pwede niyang gibain ang mga mga rehas na bakal..hikhikhik!
Tila nga, nasa pangalan ang swerte ng isang tao. Baka sa kabila ng unos Gloria pa rin ang magiging buhay ni Ate Glo.. Tingnan mo si Manny Pacquiao, kahit matalo pa siya kay Marquez, kanya pa ring pakyaw ang pera ng boxing..hikhikhik! Pero mas talo ko sila dahil akoy isang Tagulipdan kung kaya’t akoy invisible..hikhikhik!
***********
Krismas na mga kaperyodiko, kayat wala ng magiging problema ang FICELCO dahil kahit patay-sindi ang kuryente sa Catanduanes, wala ng magbabatikos dahil season of the Christmas lights na..hikhikhik! Kelan kaya matatapos ang problemang ito n gating kooperatiba sabi ng isang pari na kaibigan ko? Baka naman makialam na ang lahat na politikong pakitang gilas para maresulba na ang brownout at hindi ang magsisihan.
Bakit noon nagawan ng paraan yan? Nandiyan na ang SUWECO at Catanduanes Power, bakit lalong nagiging misteryuso ang suplay natin?
- 23/12/2011 10:11 - Malikot
- 15/10/2011 16:26 - Tuwad na daan
- 06/10/2011 14:26 - Police Character
- 03/10/2011 14:32 - Hustisya
- 03/10/2011 14:30 - Police Brutality
- 04/04/2011 13:55 - Full time


















