|
03 October 2011
Good news, magbubukas na raw ang 15 seater amphibian airplane sa Virac to Legazpi vice versa. Kasama rin sa babiyahehan ang Masbate at Naga, kaya't happy yehhey na ang mga commuters na merong madaliang transaction sa mainland Bicol.
Ang amphibian umanong ito ay pwede sa dagat maging by air at hindi na kailangan ng airport dahil kahit saan pwedeng maglanding. Abah, tila magiging first yan sa Bicol kung ganun at malaki ang magiging papel nito sa turismo sa lalawigan. Excited na akong makita ang naturang sasakyan dito..hikhikhik!
*************
Bad news: Dumarami ang sumbong sa inyong kaperyodikong tagulipdan hinggil sa lantarang bentahan ng mga laman sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon sa ating bubuwit, tila marami umanong mga menor de edad ang pinapapasok sa sa isang beer house at ginagawang slaughter house kung saan maraming costumers ang nahuhumaling sa mga dalaginding sa pier ng Virac.
**********
Gaano katotoo ang impormasyon nangyayari umano ang police brutality diyan sa Virac PNP mga sirs? Abah, tila hindi maganda sa paningin at pandinig ang ginagawa niyong yan kung totoo ito? First and foremost, dapat alam niyo kung sino kayo at ano ang obligasyon niyo sa mga nahuhuling suspek. Hindi naman siguro lingid sainyo ang sariling "presumption of innocence at ang constitutional right of the accused"?.
Kung hindi niyo alam, dapat munang mag-schooling kayo at turuan ng inyong mga basic assignment. Ang suspek kahit "flagrante delicto" o caught in the act niyo nadakip, dapat igalang niyo ang kanilang mga karapatan. Inosente ang suspek na iyan hangga't hindi napapatunayan sa korte na siya'y nagkasala. Dapay observe the due process.
Ano ang kanilang mga constitutional rights ng mga ito? No torture, force, violence, threat, intimidation while under investigation. Tao rin ang mga iyan na marunong masaktan at hindi sila mga robot..hikhikhikhik!
Para kay PD, wag ng sabihin pang kailangan ang reklamo. kailangan mong magcreate ng fact finding o sariling imbestigasyon upang malaman kung meron o wala. Dapat trabaho mo yan moto proprio bilang opisyal. okey?
***
Merong report ang PNP Camp Ola hinggil sa pagkakadakip ng boltong shabu sa isang bus na bumabyahe sa Catanduanes to Manila. Ang bus na ito ay dating pagmamay-ari ng Cua group of companies.
Kaya nga lamang, Isarog na umano ang nagmamay-ari nito, kaya't hindi na dapat umano ikonek pa sa dating may-ari dahil baka planted din ito ng ilang tao na gustong pabagsakin ang karera politika ng gobernador maging ang negosyo ng kanyang pamilya.
Sana walang magiging white wash sa bagay na ito at tukuyin ang nasa likod ng ganitong modus operandi.
Kita kitzz kaperyodiko!
- 23/12/2011 10:11 - Malikot
- 15/12/2011 06:33 - Segondamano
- 15/10/2011 16:26 - Tuwad na daan
- 06/10/2011 14:26 - Police Character
- 03/10/2011 14:32 - Hustisya
- 04/04/2011 13:55 - Full time
- 26/02/2011 15:03 - Money talks
- 26/02/2011 15:02 - AMBEERLANCIA
- 28/12/2010 06:18 - ATM
- 08/12/2010 10:14 - Wow Mali



















