[ Close ]

You are using Internet Explorer 6. Please upgrade your browser to increase safety and your browsing experience. Choose one of the following links to download a modern browser: Get Firefox Firefox Get Safari Safari Get Opera Opera Get latest Internet Explorer Internet Explorer

Nararanasan na natin ang mala-christmas light na sistema ng FICELCO sa Catanduanes, an tawag niyan, "December in Summer" ..hikhikhik!

Palaliho man palan, sabi ni uncle Bob ngg San Miguel, ang buong akala niya, magbabago na ngayong kumpara noong isng taon..hikhikhik! Nagbago lang umano ang mukha ng mga humahawak, pero,the same old story na kapag summer, patay-sindi ang kuryente ng islang kay-init..hikhikhik!

Siyempre, SOP yan, ang sasabihin Ng FICELCO, kasi ang napocor at mga supplier, siyempre, ang sagot ng supplier, eh kasi ang ficelco..hikhikhik! Ang tanong na yan ay parang, san ba nagsimula ang itlog at manok? Eh dapat aminin nalang na talagang wala ng solusyon sa brownout dahil summer at wala ring magagawa ang FICELCO kasi walang pambili ng 69kb..hikhikhik! Anong meaning ng 69kb...simple... nag-69 ka ba? Hikhikhik! Kayo ha, malilikot ang isip niyo,, hindi na daw 69 kundi 89,,hikhikhik! Coca cola body at machol-ang..hikhkhik!

Kidding aside, may tinatawag kasi tayong police power, na ayon sa mga Constitution, the inherent power of the state. Sakaling ganito na kalala ang sitwasyon ng problema, dapat ang LGU ang gumagawa ng hakbang kung papano reresulbahin ang ganitong sitwasyon. Eh nasaan kaya sila? Hikhikhik! Kaw naman Tang Concordio, di ba panahon ng kampanya ngayon? Baka hindi naman humihingi ng ayuda ang FICELCO? Pretending na marersolve, pero hindi nman kaya ng bulsa. This problem is imbued with public interest , not only personal for ficelco, that's why, we need the intervention from the government.

Eh para sa akin, ito na ang panahon para magpa pogi points kayo.. Di ba meron ding power ang national government para magpasaklolo tayo sa tinatawag welfare of the people? To our public servants, use your little coconut shell to give something and deliver something in times like this..hikhikhik! Nasa 7 last words, Diyos ko, Diyos, patawarin mo sila, hindi nila alam ang kanilang ginagawa..hikhikhik! Hayon kasi, naaalala ng ating mga elector ang pera na itinapal sa panahon ng eleksyon, kaya't kung makakuha man ng utusan sa public office, mga batogan..hikhikhik!

Huwag na tayong bumoto sa mga hampas lupa, na hindi gagalaw kung walang porsiyentong kikitain..hihikhik! Pero kung gusali, tulay, farm for market roads, gamut at iba pa, mabilis pa yan sa alas kwatro dahil merong masisilat na porsiyento..hikhikhik! Kitang-kita ang kita...hikhikhik!

************

Scene: matindi ang panunuyo ng mga politiko sa kanilang house to house campaign..hikhik! Nagiging magalang, maginoo at super scout...maraming nakakaalala ng kanilang pinanggalingan, naalala ang kanunu-nunuan maging ang mga ka batch at lahat na K..hikhikhik! Kaibigan, kapitbahay, kasambay, kaututang dila, katong-its at marami pang iba.. pero pagkatapos niyan ng eleksyon, wala na silang kilala..hikhikhik! Ang tawag ditto, pananamantala sa kanilang kakilala...hikhikhik!

Kelan kayo tayo magiging similar US elections? Doon, ang pinag-uusapan personality at ability to manage or to legislate. Ang ibinibenta doon ay ang kwapilikasyon at hindi ang money consideration. Hindi ang aspeto of what you can give, but, of what you can deliver.

Dito sa atin, proud pa ang mga kandidato na maraming ibinabahay at sinasambay. Ang turing sa mga beauty titlist parausan lang..hikhikhik! Ang masaklap pa, dahil nasa poder, kahit may-asawa na papatulan pa dahil kursonada niya, bibigyan ng pera, negosyo at ibabahay pa..hikhikhik! Pusang galang buhay to mga kaperyodiko..hikhikhik! Pero, hero pa sa paningin ng mga bulag na botante..hikhikhik!

Kelan kaya tayo madadala sa ganitong sitwasyon? Ang mga politikong maraming pinapakain at ibinabahay, ang tendency magnanakaw dahil kailangang masuportahan ang pangangailangang financial at masunod ang layaw a iba't ibang putahe..hikhikhik!

Dito, dapat pumapasok ang mga nasa relihiyuso na makialam sa tamang pagpili ng kandidato. Pwede sila mag-endorso at magpangalan kung sino ang taong dapat iboto at hindi nilalabag nito ang "separation of church and state". Ang naturang probisyon ay tumutukoy lamang sa mga sumusunod; bawal ang mag-allocate ng pondo para sa simbahan na mula sa kaban ng pamahalaan, maliban na lamang kung ito ay incidental towards the delivery of basic services, kagaya ng social action services, bawal ang pamahalaan na makialam on purely ecclesiastical aspect, the same manner, ang simbahan bawal din sa secular affairs ng pamahalaan, bawal ang pamahalaan ng mag-impose kung ano ang relihiyon na susundin sa bansa dahil merong tayong tinatawag na freedom of religion.

Ang mga kaparian, ministro at iba pa ay citizen ng Pinas, kaya't meron silang impluwensya na magset ng standard kung sino ang pipiliin. Sa panahon ngayon kailangan natin ng morally upright at hindi ang immorally upleft, alang-alang sa kanilang mga sinumpaan na tungkulin.

Bilang kawani ng govierno, na ayon sa kanila, susundin nila ng buong husay at katapatan ang mga batas na pinaiiral ng pamahalaan, hindi nila gagamitin ang panunungkulan sa sariling kapakanan, hindi hihingi o tatanggap ng suhol, sisikaping madagdagan ang talino at kakayahan, upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas.

Kailangan natin ng mga lider na mataas ang moral standard upang maging panuntunan ng ating mga henerasyon. They should set the moral fiber of society, or else, magiging pabrika lamang tayo ng mga mapagsamantala sa sa kaban ng pamahalaan.

Mga Kaperyodiko, ang tunay na sitwasyon sa Pinas, " Ang antas ng panunungkulan sa bayan ay patuloy na binababoy at binabalahura"..hikhikhik!

Add a comment

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal