Tayo na giliw mag-ingat po tayo.
Mayron na tayong enlargement ng puso.
Di ba may stenosis na sa utak mo?
At bukas tabingi ang mukha mo.

Malapit na ang pasko at bagong taon, at pagkatapos nito, malamang kung anu-ano na naman ang mararamdaman ng bawa’t isa sa atin. Nandyan ang nanlulumo dahil wala nang pera. Nandyan ang nalulungkot dahil babalik na naman sa Maynila. Nandyan ang nanghihina pagkatapos ng katakot-takot na selebrasyon. At syempre, nandyan ang nahihilo dahil bumabalik na naman ang altapresyon. Pero hindi po lahat ng altapresyon ay nararamdaman. May mga taong parang wala lang kahit umaabot na ng 180/120 ang kanilang blood pressure. At may mga tao namang hindi na makatayo sa BP na 130/100.

Sa ganitong panahon ng kasiyahan, kasaganahan, at minsan, kalabisan, hindi nakapagtatakang oras na dumating na ang buwan ng Enero, sari-saring reklamo ang aming natatanggap. Reklamo sa karamdaman, na natatanggap sa mga clinic at ospital. Merong nahihilo, merong sumasakit ang batok. Merong nanlalabo ang paningin. Merong nabubulol. At merong hindi na makalakad. Kapag inaabot ng pagtaas ng blood pressure ang isang tao, madalas mapagbintangan ang pagkain ng taba, at pag-iinit ng ulo. Katunayan, “highblood” nga ang tawag sa isang taong mainitin ang ulo kahit hindi man lang tiningnan ang BP nito. Pero ang hypertension ay hindi ganun kasimple, at hindi ganun kabilis. Oo nga’t tataas yan pagkatapos ng walang sawang kainan. Pero hindi lang yun ang dapat na pagtuunan ng sisi.

Una sa lahat, ano nga ba ang Hypertension? Alam ng lahat ang tungkol dito, pero hindi maintindihan ng karamihan. Ilang beses nyo na ba narinig ang pagtatangging, “Anemic pa nga ako! Papano naging high blood?” Kapag tinanong mo kung papano nya nalamang anemic sya, sasagot ng “90/60 kasi ako.” AYAN! Sa buong pag-aakala ng karamihan, ang low blood at anemia ay pareho. SAMAKATWID, kapag uminom ka ng ferrous sulfate (vitamins sa dugo), baga magkahigh blood ka. Umpisahan natin sa pagsira ng maling akala. Ang dugo ay merong red blood cells (45%) at plasma (55%). Kapag kumonti ang Red Blood Cells (RBC), yun ang tinatawag na ANEMIA (Anemia yung sakit, anemic yung pasyente). At maaari itong maging dahil sa malnutrition at iba’t-ibang uri ng sakit na nagpapahina ng bone marrow na syang pabrika ng RBC. Maaari ding sumobra ang RBC at ang tawag dito’y “erythrocytosis”. At ito’y dahil sa abnormality ng bone marrow (hyperactive).

Hangga’t wala kang sakit, may standard rate of manufacture na ang iyong bone marrow. Hindi ito lalabis dahil lang sa pag-inom ng iron supplement o pagkain ng isang kawali ng talbos ng kamote. “Anemia” kapag kulang, “erythrocytosis” kapag sobra. Ang kabaliktaran naman ng “hypertension” ay hindi anemia kundi “hypotension”. Kung duon sa nauna, ang pinag-uusapan ay ang dami ng RBC, dito naman, ang pinag-uusapan ay ang pressure sa loob ng mga ugat. Kung naranasan nyo nang sumisid ng malalim sa dagat, mararamdaman mo ang tumataas na pressure ng tubig sa iyong tenga.

Bagama’t mukhang mga tubo ng tubig ang ating mga ugat, naiiba ito sa kadahilanang ang tubo ng tubig ay matigas at ang mga ugat natin ay elastic na may kakayahang mabanat kapag tumataas ang pressure sa loob, at lumiit, kapag, bumababa naman ito. Mayroon tayong 5 liters ng dugo na syang pumupuno sa ating mga ugat at sya ring nagbibigay ng pressure sa loob nito. Ngayon, kailangang paikutin ito sa ating katawan, at ang pagpapaikot nito ay ginagampanan ng ating puso. Sa tuwing magpa-pump ang puso, tataas ang pressure ng 120mmHg (ang Hg ay ang symbol ng mercury na syang laman ng glass tube, at ang mm ay ang taas ng mercury sa glass tube na ito). Duon tutulak paababante ang dugo. At sa tuwing magrerelax naman ito, magiging 80mmHg ang pressure. Duon naman titigil ito ng sandali. Para itong uod na aabante, titigil, aabante, titigil, depende sa pumping ng puso. 120mmHg pag-abante, 80mmHg pagtigil. At ganito nga ang takbo ng dugo sa loob ng ugat na wala pang napagdadaanang sakuna na maaaring dulot ng iba’t ibang pagkain, bisyo, mga sakit, at kawalan ng ehersisyo sa buhay.

Sabi nila, sana araw-araw daw ay pasko. At sana rin, araw-araw tayo mag-ingat sa ating mga kinakain, sa ating pagn-araw-araw na mga gawain, at sa ating pag-alaga sa ating mga sarili. 

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

Put To The Test
Rev Fr. Orly Mendoza

FIRST SUNDAY OF LENT
(Violet) Cycle B, Year II (February 26, 2012)
Gn 9:8-15/1Pt 3:18-22/Mk 1 [ ... ]


Special Feature

MINING'S BIG FIGHT!
Jess G. Dureza

  (The author, a journalist-lawyer, was former Chairman of the Mindanao Development Auth [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal