Global Session

TAGULIPDAN
Typography

Nakaroon pala ng session and SP sa Manilang Kayganda? Marami tuloy nagtatanong kung bakit? Hikhikhikhik! Kayo naman, kailangan pa bang i-memorize yan?

Siyempre, they are with you people in order to fulfill their promises, to render extra effort in extra mile..hikhikhik! Paminsan-minsan, kailangan ding gawin nila ang session sa ibang lugar para sa kanilang lakbay aral, di ba? Growth naman nila yon, malay mo dahil sa naturang session tuluyan ng nasolve ang problem natin sa kuryente.

Sabi sa akin ni Tang Tomas, Mag-ingat lang sila, kasi baka makuryente sila sa susunod na eleksyon..hikhikhik! Eh matagal pa namang usapin yon, nakaka-isang taon pa lamang sila, kaya’t marami pang guguguling oras para magsession sa loob at labas ng bansa..hikhikhik! Ang tawag diyan “Global Session”..hikhikhik!

Ang hindi niyo, alam, matagal na silang naglilibot ng session. Noon ang sessional hall nila, sa second floor, katabi ng dating Governor’s Office. Nang umupo ang bagong komposisyon, nandiyan na sila sa Capitol Dome. Eh Malaki siguro sa kanila, kaya’t lumipat naman sila sa third floor, sa Governor’s conference hall. Di ba, naiiba. Ang tawag diyan, “the Rolling Session”. Kaya’t wag na kayong magtataka kung mabalitaan niyo sa US of A ang sunod na session o di kaya sa Macau at Cantoon..hikhikhik!

Ayaw nila ng pababa, kaya’t pataas ng pataas. Wag ding kayo magtaka kung sa rooftop na sila ng kapitolyo sa susunod..hikhikhik! Kayo naman, wag naman kayong killjoy, nagmamagandang loob na nga sila na magpakahirap na pumunta sa Maynilang kayganda para hanapan ng solusyon ang on and off power supply. Eh seguro, isabay na nila ang water suplay at palay suplay dahil pamahal ng pamahal na ang mga bilihin sa buong probinsya. Kung sabagay, libre naman silang kumain doon sa Golden Bay, walang problema.

Di ko lang alam kung sino ang nagbayad. Baka treat naman ni Gob yon at ni Bise Gob.Tingnan natin kung may travel claim sila at per daya, este per diem..hikhikhik! Kung mareresolve ba ang sakit ng ulo natin dahil sa extra-mile special session, why not? Give them the benefit of many grouts este doubts.

Sa mga mahilig mambatikos sa gobernador at sa bise gobernador, na tila, lahat nalang ikono-konek ang mali sa kanila, wait until you become..hikhikhik! Mey ganun? Malay niyo, mas malala pa kayo sa kanila..eh di kayo na rin ang babatikusin..hikhikhik! Minsan, mas maganda, meron ding positive, wag lang lahat negative..hikhikhik! Mahahalat kayo na nais niyo ang pagbabalik ni Datu Puti…hikhikhik! Kita kitzz kaperyodiko! ******