Plunderers

TAGULIPDAN
Typography

Tila masyado yatang pataas ng pataas ang lahat na mga bilihin ngayon nang dumating si P-noy sa buhay ng mga Pinoy..hikhikhik!

Nang umupo siya bilang pangulo, meron kapang mabibiling bigas na magandang klase sa halagang bente hanggang 25, pero ngayon 40 hanggang 50? Hikhikhikhik! Uda-uda…huhuhuhuhhhh.

Ano nanyari Mister bachelor? Ito ba ang sinasabing gumaganda ang ekonomiya?hikhikhik! Oo nga, gumaganda para sa mga mayayaman, pero sa mga pulubi, hindi na kayang abutin ang pangarap na makakain ng commercial rice..hikhikhik! Ang masaklap pa, kung bibili ka ng NFA rice, para kang kumain ng tsesaron na madaling matunaw kahit sa bibig pa lamang..hikhikhk!

Bakit kaya ganun ang gobyerno, tila ang ibenebentang rice ay tila pagkain lamang ng baboy? Hikhikhik! Naturingan pang National Food Authority..hikhikhik! yan ang trade mark ng NFA, rice na madaling matunaw sa bibig at sa tiyan..hikhikhik! May pag-asa pa kaya tayong guminhawa? Sana nagpasakop na lang tayo sa America, dahil kahit pulubi, amerikano rin ang tunog..hikhihk! baka meron tayong Obamacare kasi sa Pinas… P-no-y-care… no-care..hikhikhik!

************

Wala kana ngang ibang mapakinggan sa ating mga balita, lahat nalang sina Jinggoy, Bong at Enrile..hikhihik! Sila ngayon ang mga tinatawag na akusado bilang mga plunderer..hikhikhik! Baka nga sa ganitong paraan tuluyan ng malusaw ang baho sa Senado at kongreso na kampon ng mga crook codile..hikhikhik! Itong mga ito, kaya nasasakdal ay dahil hindi marunong magtago ng baho, hindi kayo gaya ng iba diyan, marami ngang project, pero marami namang kupit..hikhikhik!

Kung merong kang Pdaf na 70 milyon per year dati sa mga kongresista at 200 milyon sa mga senador, eh, talagang kahit na mangutang ka at mag 5-6 sa Bombay tuwing eleksyon, walang problema kasi, bawi ka nalang kapag nasa pwesto na..hikhikhik! Ang masaklap, kung merong 30-50% sa project, eh boksingero pa, sana nga kunin kana ni Lord..hikhiikhikhiik! Public knowledge naman, pero, magaling magtago ang mga plunderer s kaya’t matagal mahuli..hikhikhik! Yaong mga gumagawa ng ganitong mga kongresista at senador, buhay pa nasusunog na ang mga kaluluwa niyo sa impyerno..hikhikhik! Meron nga diyan na anti-corruption noong nasa mababang pwesto pa, subalit nang makaupo na 25-40 % na kung maka-advance sa mga kontraktor..hikhikhik!

Noong kahit singkong duling na ninakaw ng kanyang katunggali sa pulitika, ayaw paawat sa kadadakdak, subalit noong nasa pwesto na, pareho lang pala ang kulay..hikhikhikhk! Sila ang mga disenteng kurap! Ang kurap galit sa kapwa kurap..hikhikhikhik! Bato-bato sa langit, ang tamaan, lalo pang bangungutin at tuluyan ng kunin ni Satanas sa naglalagablab at dagat dagatang apoy..hikhikhik! Sana nga, meron ding mga masabit na mga taga Bicol sa mga sinasampaan sa husgado para tuluyan ng magkaroon ng pagbabago sa gobyerno. Meron kayang masasabit sa Catanduanes? Aaabangan natin yaan mga kaperyodiko!

*************

Merong findings ang Commission on Audit laban sa mga kontraktor na nagpanday ng circumferential road sa Catanduanes..hikhikhik! Ito ay ang high-tone construction..hikhikhik! Di ba ito ay ang kompanyang kapatid ng kompanyang merong hydro? Abah, eh kung totoo nga ang mga ito, eh dapat masampaan ito na kaukulang kaso, o di kaya ma-black list para huwag ng pamarisan..hikhikhik! Anyway, findings paman lang yon ng COA, siyempre sasagot naman sila diyan.

Dapat pagandahin nila ang pleadings dahil kung hindi, pati ang kanilang partylist baka tuluyang masabit..hikhikhik! Kapag nasabit, eh hindi na makakaulit sa susunod na halalan..hikhikhik! Eh tayo na rin ang magtatayo ng partylist na merong pangalang “ Ako ay May Bukol”..hikhikhik! Hindi lang naman yan ang merong mga may deperensya sa kontrata dito sa Catanduanes, marami yan, kaya lang tila pinag-iiinitan yata ang mga kompanya ni Zaldy Co dahil ikinakabit ito sa nakaraang administrasyon ni Arroyo..hikhikhik!

Tingnan niyo ang kapaligiran yong merong mga projects. Hindi mo nga Makita kung magkano ang halaga ng patrabaho at pasemento dahil kung meron mang karatula, mas Malaki pa ang mukha ng nangumisyon kaysa sa pangalan ng proyekto na walang nakalagay na budget..hikhikhik!. Meron diyang mga kanal na sasambulat ang baho sa mga susunod na tag-ulan dahil tinabunan na ng mga semento..hikhikhik! Sigurado ako, sakaling wala ng makitang masesemento, palagay ko, tao na ang sesementuhin nila..hikhikhik! Kita kitzz kaperyodiko!