Hyper Activity

TAGULIPDAN
Typography

Meron diumanong isang pulitiko na nagpapakalat ng text message para paralisahin ang plano ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes hinggil sa mga proyekto nito ..hikhikhik! Mey ganun?

Eh, kung ganun, meron ng kulay ang kapaligiran dahil malapit na ang money market season..hikhikhik! Ang money season ay political season at sinasabing seasons of hope.. para sa 2016 eleksyon…hikhikhik!

Tila masyadong malayo pa yata ang panahong iyon para pagkaguluhan ang mga target na pwesto. Anyway, sa ganang akin, sakali namang merong punto ang nagpapakalat ng text brigade, hindi naman bobo ang tao para mapaniwala ng mga ito..hikhikhik!

Teka, ano ba talaga ang issue? Ang issue ay tungkol sa umanoy minahan ng mga nakaw na yaman..este, minahan ng mga natural na yaman na matatagpuan sa kabundukan at kapaligiran ng isla. Ito ay ang limestone. Ang tawag dito ng ilan, limestone quarry at hindi limestone mining..hikhikhik! Magkaiba ba yon? Tanong natin sa DENR na mahilig sa mga white lawaan na kahoy..hikhikik!

***********

Sa tingin ko naman, hindi talaga papayag si kongresman Cesar Sarmiento na maamiyendahan ang kanyang isinusulong na batas na nagdedeklara sa lalawigan bilang mining free at isingit ang suwestyon nina Gobernador Cely Wong at Bise Gobernador Bong Teves na isingit ang katagang payagan ang limestone quarry..hikhikhik!

Eh kung matutuloy ang tulay, eh malulugi naman si kongresman dahil walang siyang kredito diyan..hikhikhik! Maliban kung ang kulay ng tulay ay gagawing green. Kay Cesar kay Cesar lang, Sa Diyos sa Diyos … kainis, mainit ang panahaon, kaasar kaya..hikhikhik! Ang maganda diyan, maghanap nalang ng limestone sina Wong at Bong sa Cam sur at hindi sa Catanduanes.

Tapos ang usapan, panalo ang proyekto niyo..hikhkhik! tuloy ang tulay. Kapag ditto ka kumuha ng limejuice, este limestone, Putol ang tulay..hikhikhik! Arayyyy.. Teka, merong nakapansin sa urgent resolution ni PBM Tanael. Bakit daw masyadong rush hour ang resolution. Paalala po “ Ang tumakbo ng mabilis, kung matinik sa simbahan din ang tuloy”..hikhikhik Pareho din yan sa “Kapag hindi lumingon sa pinanggalingan, merong kang stiff neck”..hikhikhik!

*********

Nagpatawag di umano ng praise conference ang isang pulitikong mahilig sa boxing kamakailan..hikhikhik! Ayon sa impormasyon, masaya ito kung ang kanyang mga kaharap na mediamen ay yong mga hindi pumupuna sa kanya. Dapat raise the roof at praise releases ang laging laman ng balita mo, dahil kung hindi sa susunod, burado kana sa iimbitahan niya..hikhikhik!

Galing niya mag-inventory. Kwento ng isang tagamedia, noon umanong nagsisimula pa lamang mangarap ito sa kanyang pwesto masyado itong KSP, tatawagan ka lagi para kamustahin kahit walang news, pumupunta sa mga okasyon kahit hindi iniimbitahan, (KSP nga, kulit), ngingiti saiyo kahit nakasimangot ka (KSP nga…) pero noong nasa pwesto na, masyado ng balat sibuyas at laging amoy sibuyas at namimili lamang ng gusto niyang makaututang dila..hikhikhik! Nagmana umano ito sa kanyang strategists na merong sibuyasan farm.

Maganda naman ang amoy sibuyas, hindi ka lapitin ng mga lamok at aswang na sumisipsip ng dugo..hikhikik! In fairness, lumiit na ang kanyang mga mukha na nakikita ko sa kalsada maging ngayong graduation rites..hikhikhik! Nagtitipid na siguro sa ink ang kanyang tarpaulin maker. Kaya pala tila palgas narin ang mga drawing ng kanyang mga picture-picture doon sa kanyang tanggapan sa kabilang ibayo..hikhikhik!

Reminder sa chairperson ng committee on solicitations ng iba’t ibang organisasyon at ahensya Huwag mong kasusuklaman ang pagiging boksingero ng isang pulitikong sinasabing kilala ng buong baryo niyo, marami din yang pinapakain at pinag-iipunan para muli kayong bilhin sa 2016.

Isa pa, malapit na ring matapos ang mundo niya sa pulitika..hikhikhik! Ipon-ipon din pag may time..hikhikhik! Weather, weather lang kasi ang may poder..hikhikhik! Papano kung matuklaw ng ibang bakulaw? Totoo bang kahit pala mga staff nito laging nagkakasakit ng hyper acidity?..hikhikhik!Bakit? Tubig lang ang katapat niyan boss..hikhikhik! KITA KITZZ KAPERYODIKO! ***********