Honorable Chi-chiriya

TAGULIPDAN
Typography

Isang mapagpalayang Krisismas sainyong lahat mga kaperyodiko! Ating pinagpupugayan muli ang mga pinagpipitaganang mga alagad ng batas na sa kabila ng kapaskuhan, nakabantay sa mga pangunahing kalsada upang magmantini ng peace and order sa bayan ng Virac at sa buong rehiyon.

Iyan ang tinatawag na call of duty, kaya’t naka-mindset na rin ang mga pamilya nila, na wala sila sa araw ng pasko sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.hikhikhk! Anyway, it’s your choice naman, di ba? Eh kung gusto ninyong laging nasa bahay, magtinda na lamang ng kayo patis o toyo..hikhikhik! Pareho yan ng army at ilang media personalities, kung kailan ang holiday at araw ng pamilya, iyon din ang wala..hikhikhik! Pero, pagkatapos naman ng okasyon, pwede na rin naman mag-leave sa inyong mga poste. *************

Tila nga, hindi mawawala sa atin na magdiwang ng pasko, gaano man kahirap ng buhay. Maganda naman dahil kung walang selebrasyon, eh parang walang ningning ang buhay..hikhikhik! Ilan sandaling malilimutan natin ang pait na sinapit sa bagyong si Yolanda sa pamamagitan ng konting salu-salo together sa pamilya, kabarkada, katrabaho.

Okey lang naman daw kahit mahirap, kasi lilipas din yan mga kaperyodiko..hikhikhik! ********** Sa ganitong pasko, legal ang mga namamalimos, kaya’t tamang-tamang samantalahin, dahil matapos ang pasko, bawal na..hikhikhik! Salamat din sa mga nakikipasko, sabi ng ilan, dahil dito tumataba ang kanilang kalooban na makabahagi ng kanilang pinag-ipunan sa loob ng isang taon. Ang sabi ng mga matatanda, habang ikaw ay nakikibahagi ng iyong yaman, buenas iyan, kaya’t it’s better to give daw kaysa receive..hikhikhik!

Eh papano naman kung walang magrereceive, kaya’t okey na sa akin ang magreceive..hikhikhik! ********* Maraming mga pulitiko ngayon ang nasa mahabang bakasyon..hikhkhik! siyempre, alam na, iwas-iwas din sa mga nangangaroling pag-may time..hikhikhik! Eh bakasyon grande muna at siguradong babalik ang mga iyan, sa susunod na taon 2014.

Isang taong bakasyon..hikhikhik! Kaya’t sa susunod, wag na kayong bumoto ng mga kandidatong naninirahan sa ibang planeta dahil sa oras ng pasko, bagong taon at kagipitan ay sureness wala kayong malalapitan..hikhikhik! Pwera delos ubos, dahil meron namang namigay na nang regalo, bago pa man ang pasko, kaya’t yari na ang buto-buto…hikhikhiik! ***********

Sino sya? Sino itong alkalde na inirereklamo sa kanilang bayan dahil lagi daw wala sa munisipyo?..hikhikhik! Mas malala pa umano ito sa kanyang pinalitan na lagi ring nasa Manilang kayganda, dahil ang rason, nagpa-follow-up ng mga proyekto..hikhikhik! Eh kaya’t kahit simpleng imbitasyon, aktibidad at pagbisita ng mga ahensya at maraming iba pa, si bise ang laging busy na nagpapakape..hikhikhik!

Ah naku mga kaperyodiko, iyan ang sinasabi ko, sa oras ng mga pangangailangan, iyan ang mga taong hindi maaasahan dahil, ginagawang papogi points lamang ang position..hikhikhik! Kung sino kamang kumag na opisyal ka, hindi ka dapat naging alkalde, dahil, hindi naman sa puso mo ang pagiging ama’t ina ng bayan mong dapat pinagsisilbihan..hikhikhik!

Sa bagong taon, dapat magbago kana ayor. Kayo kasi mahilig sa mga kandidatong imported subalit masyadong boksingero..hikhikhik! ang tawag sa kanila, chi-chiriya, dahil kung piyesta lang may oras na magtinda, pero kung ordinary days, sibat-sibat muna pag-may time..hikhikhik! Haping hapi new year saindo gabos mga kaperyodiko! Kita kitzzzz