Eye Opener

TAGULIPDAN
Typography

Isang malaking pamulat ang mga angyayaring kontrobersya ngayon sa bansa ang pork barrel scam na kinasasangkutan ng mga manggagatas..este.. mambabatas.

Dahil dito, kailangan din nating mamulat sa mga manggagatas natin sa local level. Meron din tayong dapat tutukang mga legislators sa local na pamahalaan, simula sa Sangguniang Panlalawigan hanggang sa Sangguniang Barangay.

Sa pagkakaalam ko, sa panahon ng nakalipas na administration, meron ang ating mga PBM ng 500,000 discretionary fund na itinuturing ding pork barrel.

Kung maaalala natin, maging ang SK president na ex-officio member ay nakipagdebatehan din dahil sa pork na tila dehado ang kanyang tanggapan..hikhikhik! Ibig kung sabihin, kailangan din nating alamin kung totoong meron silang 500,000 pork at kung saan napunta ang mga ito?

Abangan niyo mga kaperyodiko at tutugunan natin ang mga text messages sa BP hinggil sa pagbusisi kung saan nga ba napupunta ang mga pork ng ating mga local Sanggunian.

Hindi lamang yan, kailangan ding malaman kung saan din napupunta ang pondo ni juan dela cruz na nakaatang simula sa gobernador hanggang sa mga alkalde. Meron nga tayong mga tsismaks na kahit katulong sa bahay ay naka-charge pa sa tanggapan ng ilang legislators..hikhikhik! Sino kaya sila? Abangan..

******

Sumuko kana, napapaligiran na kita..hikhikhik! ito ang nangyari kay Janet Napoles, kaya’t sumuko sa presidente ng Pilipinas kamakailan dahil sa kasong isinampa sa kanya..hikhikhik! Maraming nagdududa sa ginawang pagsuko dahil, tila double bled ang presidente sa kanyang mga pronouncements.

Hinahamon din ang pangulo na bitiwan ang kanyang pork, pero depensa ng malakayang hindi naman umano galing sa buwis ang pera na inilaan sa pangulo, kundi galing sa sugal..hikhikhik!

Tuwang tuwa ang malakanyang dahil, akala nila magiging sandamukal ang perang leletsunin ng mga taga malakanyang, subalit, tila sigaw din ng taong bayan, kailangan ding bitiwan ng pangulo ang kanyang bilyong pork..ikhikhikhik!

*******

Ngayon palang umaalingasaw na ang mga isyu tungkol sa halalan sa SK at Barangay. Alam niyo bang hindi parin tumitigil pala hanggang sa ngayon ang tricks ng mga magagaling magmaneobra kapag halalan? Hindi naman nakapagtataka dahil, matagal na itong ginagawa kaya’t ordinary na sa kanila.

Ayon sa ating bubuwit, marami na namang nakalusot na botante na hindi talaga nakatira sa isang barangay subalit nakapagrehistro..hikhikhik! Ganun?

Siyempre, may binabalak na masama, kaya’t kailangan aksyunan ito ng mga kinauukulan. Sino kaya ang tinamaan na magaling na mga taong ito na tila lahat lang ang alam eh gawin ang hindi tama sa buhay?

Advice ko nalang sa mga laging nananamantala sa kanilang poder, hindi natutulog ang Diyos. Marahil hindi kayo nadakip sa mga nakalipas, eh may oras din kayo para harapin ang katotohanang sisingilin kayo ng nasa itaas.

Mas maganda sana kung lahat ng ating ginagawa ay isinaalang-alang ang panginoon dahil, darating ang panahon na tayoy huhusgahan, batay sa ating mga nagawa. Tingnan natin ang mga nangyayari ngayon sa bansa, dumarating na ang singilin blues laban sa mga nagsasamantala sa kaban ng bayan at nagpasasa sa pondo ni Juan dela cruz.

************

Sino itong baguhang elected official sa rinconada area na humihingi daw ng tig 1 milyon sa dalawang kontraktor na may proyekto sa nasasakupan nito? Hikhikhik! Ang sistema o modus operandi, ipinatitigil ang proyekto na tinatrabaho ng kontraktor dahil hindi siguro naambunan, kaya’t problemado ngayon ang kontraktor.

Clue, ito ay bagitong opisyal, gwapito at moy simpatico, subalit, tila meron ding dugong bughaw..hikhkhikik! Nabuking na kasi si Napoles kaya’t hindi siya pwedeng magkonek doon. Pero advice ko sa bagitong opisyal na ito, hinay-hinay ang diskarte, baka mahalata bigla ng public, hindi ka makaulit..hikhikhik!

Kung sabagay, ito naman talaga ang kalakaran ng mga politico. Papano sila makakabawi sa kanilang mga ginastos noong halalan kung hindi didiskarte. Kailan kaya magiging matino ang ating mga opisyal sa pamahalaan?

***********

Galit na galit si Secretary Luistro sa pagbisita nito isang lugar sa Maynila nang Makita niyang ang covered court sa isang paaralan ay may mga nakapaskil ng pangalan at mukha ng mga elected officials na siyang nagpondo umano ng proyekto..hikhikhik! Ayon kay Luistro, dapat malaman ng taong bayan na hindi mga eleced official ang pera na pinondo diyan kundi pera ng taong bayan..hikhikhik! Tanong ko kay Sir Luistro, anong parusa ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon? Kahit bisitahin mo ang buong bansa, ganun ang kalakaran at nakaukit pa ang pangalan..hikhikhik! Kita kitzz kaperyodiko!