ADIOS DE CASTILLO

TAGULIPDAN
Typography

Namaalam na pala ang Provincial Director ng Catanduanes. Ang tanong, meron kayang umiyak? Meron kayang natuwa? O merong nagdamdam? Hikhikhikhik!

Ganun naman talaga sa PNP maging sa military, walang permanenteng lugar dahil sila rin ay mga NPA..hikhihikhik! No Permanent Address…hikhikhik! Kala niyo ha? Anyway, ang maganda kung merong umaalis dahil meron naming dumadating. Naaalala ko tuloy noong bagong upo si PD, nais umano akong ipatawag para lecturan sa drug operation..hikhikhik! Sabi ko naman, papunta palamang siya, akoy pabalik na..hikhikhik!

Ayon sa ulat, yong kanyang deputy umanong si Sir Briones ang papalit na merong dugong Catandunganon. Kapag ganun, merong malasakit sa kanyang lugar. Kaya’t expect tayo ng Malaki kay OIC Briones dahil malamang, mas matindi pa ang ipapakitang gilas nito kaysa kay PD Castillo.

Kmusta kaya ang lotteng sa lalawigan? Masagana pa kaya ang operasyon o sasama na kay PD Castillo ang mga lotengero? Hikhikhikhik! Nasaan na kaya ang nakatakas o pinatakas na operador ng loteng na isa ring retiradong lispu?

***********

Marami ang nagtatanong sa inyong kaperyodiko kung ano na umano ang update sa pulitika sa Catanduanes? Sabi ko naman, mas masaya ang darating na halalan dahil maraming mga ambisyusong nais makatikim at makatikim muli ng pwesto bilang gobernador?

Ano nga ba ang masarap sa naturang pwesto at bakit maraming nag-aambisyon? Hikhikhik! Ang laban, bagamat hindi pa naman filing , pero matunog ang pangalan nina Cua Wong at Bong..hikhikhik! Pag-aagawan ng dalawang lalaki ang upuan ngayon ng babaeng gobernador.

Sakaling manalong muli si incumbent Wong, isang malaking kwento ito sa kanyang political career. Sabi nga, there is a light at the end of the tunnel. Noon lagi siyang talo, baka ngayon, lahat na rin panalo.

Pero remember, wala pang naka-reelect na babaeng gobernador. Ang unang gobernador na nanungkulan sa Catanduanes ay si Manay Rosalie Alberto at hindi na siya nakaulit. Here comes si Manay Cely, katunog ang pangalan kay Salie..hikhikhik!

Excited na kong Makita ang mga susunod na kabanata..hikhikhik!

Sa Bise gobernador, apat ang sinasabing mamglalaban. Kasali rito si PBM Shirley Abundo, PBM Jorge Reyes, negosyanteng si Jovel Lopez at merong ugong na posibleng pumasok din sa eksena si Vice Mayor Mendoza ng San Andres.

Sa kongresista, tila wala umanong lalaban para papgbigyan na lamang ang ganador na si Kongresman Cesar Sarmiento. Kapag lumaban umano kasi sila, parang bumangga sa pader dahil makapal na umano ang bulsa nito..hikhikhik!

Kita kitzz kaperyodiko!