One day millionaires

TAGULIPDAN
Typography

Mukhang bigtime na naman ang ating mga konsehal sa islang kayganda dahil sa kaiga-igayang halalan kamakailan. Ayon sa ating bubwit, hanggang ngayon, uso pa rin pala ang tinatawag na keeping na estilo ng mga SK..hikhikhik!

Maging sa SB, ganun din pala..hikhikhik, may pinamamanahan talaga, kaya’t one day millionare di umano ang mga honorable “kuno”…hikhikhik! Pwera delos ubos…spread the sunshine, kahit hiwalay na kay cease..hikhikhik! Walang sunog kung walang apoy, ayon kay Mang Tomas na masarap sa crispy pata..woooww.

Ayon pa sa ating bubuwitik, mahalimuyak na 20K diumano plus registration ang ipinamudmod ng isang kandidato? Ano bayan, galing sa PDAF o galing sa holdap? hikhikhik!.. Kung sabagay, magtataka pa ba tayo? Kailangan pa bang imomurmur yan? Hikhikhik. Matagal na itong hobby tuwing may election, at hindi lang sa Catanduanes maging sa ibang bayan, kaya’t, abnormal kung wala..hikhikhik! Ika nga “birds with the same feather, keeping-keeping together...este flocks together...hikhikhik!

Kaya lang kung sobra isang daan ang mga konsehal, magkano ang naibuslo sa bulsa ng mga honorable “kuno”? Eh bawi-bawi lang pag may time,, lalo na sa gastos noong nakalipas na halalan. Eh saan ba kukunin ng financer ang naturang halaga? Eh di manghoholap sa kaban ni Juan Dela Cruz, kurakot din pagmaganda ang time…hikhikhik! Kaya pala, nakita ko yong isang konsehal, isang gabi lang kiniping, meron ng suso sa tiyan..hikhikhik! Anong suso sa tiyan, marumi ang mga isip niyo,, bel-bel..hikhikhik!

Siyempre, sarap ng chicken at bulalo na panay lang naman mga noddles..hikhikhik! Ayon sa kwento ng espiya ng ating kaperyodikong tagulipdan, nagkaroon ng mga serye ng seminar kuno ang ating mga honorable “kuno” sa mainland at sa isang malaking hotel sa Virac upang isobre ang maagang pamasko ni konsehal...hikhikhik! Almost 70% daw na konsehal ang naambunan...eh paano naman ung 30%? hikhikhik! Swerte rin paminsan minsan at ipon ipon din pag may time...hikhikhik!

Ang tanong sino ang Santa Klaws? Pahinga naman ng load Santa..hikhikhik! Wag lang maging Santuklaw..hikhikhik!

*****

Eh sino naman itong hepe ng isang national government na merong lahing Darna..este Ravena.. hikhikhik! Ayon kay mang Tomas, favorite daw nito ang mga tigasin..sa medaling sabi besame mucho gwapito. Maliban sa mapuputi, siyempre, malaki ang bola bola..hikhikhik! Kung dati umano sa naturang tanggapan mahilig ang dating naging opisyal sa sweet lover na driver at matipuno ang kawatan..este katawan, itong pumalit sa longga, kapareho rin ang gusto, pero tunay na flower yon, hindi katulad ng bago na meron halo.. baka nahawaan..hikhikhik!

Alam niyo bang gusto di umano ng opisyal na ito na maging apple of the eye ang mga matitigas ang…braso, kaya’t Ganado siya kahit nag-oovertime…hikhikhik! Ang maganda naman ditto, kasi si sir este mam sir generous..hikhikhik! Siyempre, kung madatong karatista yan, kaya’t mahilig itong manigarilyo..este magregalo, hikhikhik!

Pero performing naman ang opisyal at hindi nagpapabaya sa trabaho kasi inspirado. Ang mahirap lang kasi embyerna kung minsan sa mga old model na mga empleyado. Makaaplay nga..hikhikhik! Clue...siya ay galante… mahilig ito sa “T”… Tambay-Tambay din pag may time… Ang ibig sabihin ng letter ”T” ay …. Ang TTTTipo koý lalake! hikhikhik! Kung hindi niyo alam, tanong niyo ki mang Tomas.

Kita kitzz kaperyodiko!