State of the Helepad building

TAGULIPDAN
Typography

Isang tumatagingting na 82 milyon pesos di umano ang halaga ng municipal building ng Caramoran? Nang maibalita ito sa inyong kaperyodikong tagulipdan, eh muntik na tayong mabulunan..hikhikhik! Muntik ng dumaan sa aking ilong ang mga kinain kong extra rice..hikhikhik!

Isang excellent project sana kung tuluyan na ngang maisasakatuparan ang pagpapatayo ng gusali dahil lubhang kailangan ito ng naturang bayan matapos mapurnada ang konstruksyon during the time of Popa administration, subalit nakakatindig balahibo ang halaga ng proyekto.hikhikhikhik! Eh mantakin mo namang, poor na nga ang naturang bayan, eh ganito pa kalaki ang halaga ng proyekto? 82 Million lang naman..hikhikhik! Ito daw ay isang state of the art na municipal building dahil merong helepad..hikhikhik! Teka, helipad ba o helipad? Hikhikhik!


Bakit nga ba nag-isip pa ng helepad ang mga opisyal natin diyan samantalang, maganda na ang daan patungo sa Caramoran lalo ngayong sementado na? hikhikhik! Ang akala siguro ng mga nagbalak ng proyektong yan ay nasa taong 1970 pa tayo? Hikhikhik! Hoy gising! O baka naman ang arkitekto diyan ay 100 years na ang edad ngayon?hikhikhik!

Hindi naman tayo killjoy sa magandang plano ng Isuela Administration, subalit, datapwat, magkaganunpaman, masyadong ambisyoso at merong halong kapritso ang proyekto..hikhikhik! Totoo nga bang si Mayor Vacion o ang Sangguniang Bayan ang nagplano ng gusali o sadyang yong sinasabing kapatid ng alkalde na siyang tumatayong municipal administrator. Wala namang ibang tao sa Caramoran kung bakit, kapuso at kapamilya pa ang mga tumatamasa sa position diyan? Baka nga wala silang tiwala sa ibang tao, kaya’t sariling tao nalang ang pagtiyagaan? Tila gumaya rin kasi sa Legazpi na mismong si Mayor dati ang administrator ng kanyang asawa..hikhikhik! Meron ding mag-ama sa Bagamanoc..hikhikhik! Kung sabagay, kung merong mga diskarteng top secret, walang puputok at puputak..hikhikhik!

Ang sabi, hindi nag-loan ang LGU Caramoran, dahil nagtitipid. Ganun? kaya lang, nagtitipid pala sila sa ganung milyones na halaga? Meron pang helepad na nalalaman? Hikhikhik! Totoo ngang kakaiba ang proyektong kayganda, subalit, may balak bang bumili ng helicopter ng LGU caramoran? Grabe namang sosyalero at sosyalera kayo diyan? Hikhikhik! Alam niyo ba kung ilang libo ang ginagastos sa kada lipad ng helicopter? Hikhikhik!


That is an ambitious project ika nga. Only in Catanduanes at tila pang Guinness book of world record pa..hikhikhik! Tila kapritsu nga kung tatawagin ang naturang proyekto. Kaya pala nagtitipid mangutang dahil kukuha na lamang umano sa IRA ng munisipyo, alang-alang sa bayan…ha?..hikhikhik! Ibig mong sabihin, isasakripisyo niyo ang mahahalagang basic services ng naturang bayan kapalit ng inyong kaharian at bahay na bato? Pwede bang kainin at pagkakitaan yan ng mga pobreng tikoy ng Caramoran?


Tingnan natin ang munisipyo ng Pandan, 28-30 million lang ang halaga sa panahon ni dating alkalde Resty De Quiros, pero, maganda naman ang kinalabasan sa kabila ng pagbatikos sa alkalde. Tingnan mo rin ang munisipyo ng Baras 30 million pero magara na, subalit itong Caramoran, malutong na 80 million at may helipad pa? saan ka pa? Hikhikhik! Super dooper naman kayo diyan mga tsong mga tsang. Eh, meron bang say ng Sangguniang Bayan members diyan na dapat tagasundot tagapitik sa mga balakin ng alkalde? Hoy, tila nakakaamoy ako ng chicken pride ng Jollibee diyan, kung bakit tila wala man lang pumutak sa naturang proyekto? Airport yata ang disenyo ng inyong munisipyo? Hikhikhik!


Natutuwa naman ako sa pasistema ng ating mga naturingang public servants diyan. Noong isang buwan, yong Suweco, gustong ipa-exempt sa buwis? Ano na nga ba ang nangyari noon? It’s a million dollar questions mga kaperyodiko na ang dumadalang tiyempo ay si kapusong Kapatid.. Hikhikhik! Anong nanyari? Tila ako ang duduguin at maiimbyerna sainyo? Ano nanyari?..Ano nanyari sa ating mga opisyal diyan? Ang ikinababahala ko kung sa susunod na mga panahon, hindi na Caramoran ang magiging pangalan, kundi CaramoRUN..hikhikhik!


Kung sabagay, tila isang pamilya naman siguro ang humahawak diyan kasi ang bise alkalde pati mga kagawad ay halos mga kapamilya rin ng alkalde kung kaya’t hindi makapalag sa anumang balakin..hikhikhik!


Teka, Bakit nga ba, tila mga Mayor By Default ang mga nahahalal na alkalde sa naturang bayan? Ayaw ko na sanang balikan at isalaysay pa ang mga babaeng naging alkalde sa naturang bayan dahil baka sabihing nagde-descriminate tayo, pero, ang siste, tila mga bulong brigade lamang ang mga umaasta kapag merong alkaldeng babae na nakakaupo diyan?..hikhikhik! Sabi nga ng artistang si Manoy Eddie Garcia, meron bang mga bayag ang mga lalaki natin diyan sa Caramoran? Hikhikhik! Meron naman siguro, kaya lang silay mga under disaya..hikhikhik!


Apat na ngang babae ang sunod-sunod na naging alkalde sa naturang bayan, pero tila mga alter ego doctrine lamang ang mga umaastang alkalde at nagpapatakbo. Dati, asawa at mga anak, ikalawa, mga kaibigan ang mga bolong brigade at meron ding sumunod asawa rin ang naging hari, pero ngayon, brother ang nasusunod diyan..hikhikhik! sa susunod, baka mga lolo at lola na rin..hikhikhik!

Hindi naman ako taga Caramoran, kaya nga lamang, parte pa rin ang Caramoran ng Catanduanes at Pilipinas kong Mahal. Eh dapat ang mga proyektong ganyan ay napapag-isipan para walang sisihan. Kaya nga nagkaroon ng bagong alkalde diyan kasi ayaw na kayo noong dati, eh sa ganitong mga sitwasyon eh tila, walang pinagkaiba ang inyong mga galaw sa nakaraan? Maghunos dili naman kayo mga kaperyodikong Caramoranon. Baka sa susunod, biglang lumubog nalang yan dahil sa kapritsong pinaggagawa ng iilan..hikhikhik!
Kita kitzz kaperyodiko!