The return of the comeback

TAGULIPDAN
Typography

Meron daw babalik sa Catanduanes? Sino? Ito ay ang matagal ng naging bahagi ng Catanduanes habang wala pang mga airlines na naglalakas loob na mamuhunan sa lalawigan. Ang tinutukoy ko ay ang Phil. Airlines (PAL)..hikhikhik!

Sakaling matuloy ang balakin, tiyak na gagaan ang buhay ng mga biyahero dahil magkakarooon tayo ng alternatibong sasakyan. Sa ngayon kasi, nag-iisang ikaw lamang ang naglalakas loob kaya’t malakas din ang loob magsabi kung magkano ang presyo. Sakaling matuloy, sasaya ang buhay ng mga mahilig maglamierda..hikhikhik!


Ang nakikita kong sasaya ang buhay yaong mga politikong ginagawang palipas oras lamang ang pag-stay sa lalawigan. Tila baga, nilalagyan ng siling labuyo ang kanilang mga puwet dahil ilang oras namamalagi sa kanilang tanggapan tapos, escapade muli..hikhikhik!

Kung sabagay, sakaling matuloy, pwede na silang magbiyahe araw-araw dahil meron ng tiga-sundo’t hatid..hikhikhik!

***************

Tinatrabaho na pala ang port terminal ng Tabaco matapos ang matagal na pagkakatulog sa pansitan ng PPA. Baka nga nakaipon na sa kanilang araw-araw na collection at nagising na rin para ayusin ang matagal ng nakatiwang-wang na terminal.

Siguro nga nadurog na rin ang puso ng port manager sa mga pasaherong Katandunganon na halos araw-araw nagbabayad ng terminal fee pero sakaling dumarating ng disoras na gabi, binubuhat ng mga lamok..hikhikhik! Salamat at nakonsensya rin.

************

Dapat rebyuhin ng PNP at Phil. Army ang sitwasyon ng pase orden sa lalawigan. Ang dahilan di umano ng pagkakabalam ng mga proyektong pag-irigasyon ng NIA ay dahil sa banta ng seguridad?
Eh, naaalala ko na mismong pumunta pa rito si General Matapang…este Catapang para ideklara ang Catanduanes bilang insurgency free..hikhikhik! Syempre, dahil sila ang merong mga baril, hindi magpapakita sa kanila ang mga may masasamang balakin. Eh batay sa impormasyon, dahil umano sa hindi pagbibigay ng revolutionary taxes kung kaya’t hindi makausad ang ilang proyekto ng NIA.
Baka naman, NIA lang naman ang target? Tama rin si PD Castillo, bakit hindi pinarating sa kanila kung merong nangingialam? Kung sabagay, ang seguridad naman ng kontraktor ang inaalala. Baka kapag sumumbong lalo silang mapatibong. Ignore nalang dong..hikhikhik!

***********

Merong ilang alkalde ang nanggagalaiti dahil ilang kontraktor umano sa Catanduanes ang nagsasabing kompleto na ang kanilang proyekto, subalit, ayon sa ilang alkalde, hindi pa..hikhikh! Baka naman, hindi pa naabutan ng share..hikhikhik! Kawawa naman ng ilang kontraktor, lugi na nga pinagkakitaan pa.

Ayon naman sa ilan, hindi siya maniniwalang lugi ang mga kontraktor sa Catanduanes. Kung lugi umano ang mga ito, eh hindi na makikipagkontrata at kukuha ng proyekto. Kung sabagay, ganun talaga ang mga kontraktor, ang sagot ay laging lugi kahit sobra ang porsiyento..hikhikhik!