OPORTUNISTA?

TAGULIPDAN
Typography

Sinulit pala ang island hopping ni Mr. Vice President Binay sa lalawigan ng Catanduanes noong isang linggo..hikhikhik! Halos ang bayan ng Gigmoto lamang ang hindi inabot kaya’t nakipagsiksikan na lamang sina Mayor Edgar Tayam sa grupo ng mga taga Baras para makapagselfie sa VP..hikhikhik!

Ayon sa ating bubuwit, matindi umano ang pagsisisi ni VP Binay sa organizer sa kanyang pagbisita sa isla dahil mas lalo siyang umitim..hikhikhik! Eh, mantakin mo kasing magpapalagay sana di umano ng sunblock si VP bago ang travel sa isla, pero mali ang nailagay ng kanyang stylish kung kaya’t mas lalo pa siyang umitim..hikhihikhik! Ang nilagay sa halip na sunblock ay tire block..hikhikhik! Kaya pala tired na tired at pagod na pagod siya..hikhikhik! Kayo naman, wala sanang diskriminasyon ha..hikikhik! sabi nga pork chop duo, kahit maliit at maitim sa paningin, nakabubuntis din..hikhikhik!

*****

Nasundan ko ang lakad ng VP sa isla at talaga namang matindi ang energy para abutin ang napakalalayong lugar na tila walang kapaguran. Siya pa lang ang kauna-unahang VP ng Pinas na nakapagbisita sa buong lalawigan. Ang napagod nga lamang yaong mga taga media na hindi nakapag-ambush interview man lang sa VP dahil tila, todo iwasmasyadong selyado ang security..hikhikhik! Naghihinanakit daw yong ilang media personalities dahil ang kilala raw na media lamang dito ay dalawang estasyon..hikHIkhik! Yong alam niyang hindi siya babatikusin..hikhikhik! Anyway baka naman sadyang gusto nga ng VP ng peace of mind..hikhikhik! Baka kasi merong magtanong kung alin sa Catanduanes ang kanyang pag-aari na hindi nakadeklara sa Saln at maungkat pa ni Senador Trillanes..hikhikhik! O Baka may binay-aran siyang lupa sa isla na wala pang titulo..hikhikhik! Grabe ang ingat ni VP kasi baka nga masilip ng tatlong itlog na senador ng sub-komita..este sub-komite ng red ribbon..este..blue ribbon committee na walang ginawa kundi hanapan ng butas ang VP..hikhikhik!

Maraming nagpaabot ng konting hinaing sa VP dahil tila ang naging pagbisita umano ng opisyal ay parang isang meeting de avance na..hikhikhik! Hindi nga umano nila madetermina kung opisyal ba or in the performance of his duty as VP dahil ang kasa-kasama umanong nakabuntot at siyang intruder … este…introducer ay ang dating gobernador na si Boboy Cua..hikhikhik! Akala nga ng iba tapos na ang eleksyon at meron ng bagong gobernador sa Catanduanes..hikhikhik!

Ayon sa ilan, masyado umanong garapal ang pagiging discourteous ng bise presidenteng abugado..hikhikhik! Nagkaroon pa umano ng courtesy call sa incumbent governor sa ikalawang araw na ng kanyang pagtungo sa islang kayganda dahil una munang nag-courtesy call sa dating gobernador..hikhikhik! Hindi nga courtesy call ang tawag doon, kundi discourtesy..hikhikhik!

Masyado namang judgmental ang bise presidente..hikhikhik! Tila ba alam niya na ang kalalabasan ng 2016 eleksyon..hikhikhik! Ito rin ang naging kahinaan niya ngayon dahil masyadong atat at maaga magdeklara na maging presidente, ito tuloy, daming ibinabato sa kanyang putik..hikhikhik! Tila mali kasi ang Sistema..hikhikhik! Sino kayang handler ng bise? Hiindi man lang kumukonsulta sa akin…Hikhikhik! Masyadong mga premature ang galaw, kaya’t napi-pre-empt ang mga diskarte..hikhikhik! Tila hindi diskarte militar ang kanyang moves. Masyadong obvious..hikhikhik! Ang diskarte sa panahon ng election ay dapat wais at hindi vice o bisyo..hikhikhik!

Hindi kaya kinilabutan si VP Binay sa kanyang ginawa na tila pinahamak niya ang kanyang political career sa kanyang pagdalaw na obvious namang early campaign na? Pwede naman kasing pumunta na walang malisya na mangampanya, pero sa tono at Sistema ng kanyang pagdalaw, talagang pure campaign ang manipestasyon..hikhikhik! Hindi kaya matawag siyang nag-oopurtunista sa kanyang position. He is using money and resources from the government coffers at the expense of his personal political agenda?

Ang tanong, ang gasoline ng sasakyan, ang pamasahe s eroplano at pagkain sa eroplato at iba pang gastusin ay personal na gastos ba o mula talaga sa bulsa ni Juan Dela Cruz? I think so..nagtatanong laang po VP. A simple corruption din yan na baka makita ng inyong mga kakontra partido..hikhikhiki! Ingat-ingat lang kung may time para hindi mapulaan..hikhikhik!
********
Ang rescue truck na sinasabing galing sa pagpapagod ng probinsya matapos maawardan ng Seal of Good housekeeping, tila magiging disaster truck..hikhikhik! Humingi umano ng tulong ang gobernador sa SP para busisiin kung meron ngang iregularidad sa presyo at proseso, subalit, nabigla ang gobernador kung bakit, walang report kung ano ang resulta, pero sa isang motion ng isang bokal, nagpapasaklolo na ito kaagad sa Ombudsman…hikhikhk! Malamang, gustong maghugas kamay lang ng SP kaya pinasa ang bola sa Ombudsman. Naghihimutok tuloy ang gobernador dahil walang koordinasyon, tila mamasapano ang nangyari..hikhikhik!
Kita kitzzz kaperyodiko!