TRENDING

TAGULIPDAN
Typography

Tila nananaginip ng gising ang Sangguniang Bayan ng Caramoran sa kanilang hangaring magkaroon ng Tax holiday pabor sa isang hydro power plant..hikhikhik!

Kaya’t nitong nakalipas na linggo, kaagad sinupalpal ng Sangguniang Panlalawigan ang resolution. Meaning, mahina ang convincing power ng resolusyon. Ayon sa isang spurce ng inyong kaperyodikong Tagulipdan, milyon dollar question umano ang nasa likod ng mga kabanata..hikhikhik!

Ang promotor umano nito yaong sidekick ng alkalde na tumatayong business manager. Kaya’t tuloy lahat business transaction ang nasa isip..hikhikhik! Hoy, malapit na ang eleksyon..hikhikhik! Mantakin mong pati ba naman yong arrears na income n asana ng munisipyo sasaklawin pa? hikhikhik! Ano kaya ang nasa utak ng mga miyembro ng SB maging ang local na govierno ng Caramoran?

Ang masasabi ko sa kanila, sila ang mga utusan ng bayan na ayaw sa grasya kasi ang gusto nila disgrasya..hikhikhik! Kayo naman, Ginto na magiging bato pa? Baka naman merong mga naabutan ng mahiwagang ginto sa bulsa? Nagtatanong lang po mga Honorables?..hikhikhik! Tingnan natin kung ano ang magiging reaksyon dito ng mga pumirmang konsehal, bise alkalde maging ng alkalde..hikhikhik!

Siya nga pala, gusto nating malinawan diyan kung yong kwestyunableng Tax Ordinance pa ng nakalipas na administrasyon ang ipinapatupad. Ang findings kasi ng SP sa kanilang review, lagpas sa otorisadong 10% ang increase ng Tax Ordinance, kayat hindi ito inaprubahan ng SP. Pero ang balita ko, ito na ang ipinapatupad ngayon kahit nga hindi ito naipublish sa anumang newspaper of general circulation sa lalawigan..hikhikhik!

Dapat, maging alerto din ang mga advocates diyan sa bayang napag-iiwanan, ang bayan ng Caramoran, VOW!..hikhikhik!

************

POLITIKA SA ISLA: May kanya-kanya ng survey ngayon ang mga nagnanais maging ganador sa darating na halalan dito sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon sa impormasyon, maganda ang labanan sa gubernatorial post. Ito kasi ang target ngayon ng maraming mga pulitiko dahil gusto nilang sulutin ang naturang pwesto habang hindi pa nakakabwelo sa performance of her Life si Ginang Cely.

Sa ngayon, apat ang lumilitaw na posibleng contender ni Wong, pero ang matunog ay dalawa lamang na posibleng tumuloy sa giyera. Batay sa isang survey, kung apat ang magiging kandidato, Malaki ang umano posibilidad na incumbent parin ang mananalo. Pero kung magiging tatlo lamang, ang dating gobernador ang posibleng Manalo, iyan kung ngayon gagawin ang halalan.

Kaya nga lamang, iba ang tunay na laban sa survey. Ang dalawa pang nagbabalak na mga bigatin din ay ayaw ko munang pangalanan dahil gusto ng mga political strategist nila na merong surprise. Ang kilala ngayon na Malaki ang posibilidad na matuloy ang pakikibaka ay may mga initial na pangalang B na isang bago pero nasa pwesto at isang luma kontra sa incumbent na si C. Ang B, as in Barako at ang C, as in Chicken Joy. Sure akong alam niyo na ang tinutukoy ko.

Batay sa isang political analyst, Kung matutuloy ang dalawang Barako, malaking posibilidad na matatalo ang Chicken at alinman sa dalawang B ay posibleng Manalo. Pero kung ang dalawang B lang ang maglalaban head-on, posibleng ang bagong B ang mananalo. Subalit, datapwat, magkaganunpaman, kung ang maglalaban ang dating Barako at ang chicken, may posibilidad na Mananalo ang Chicken kung magiging mahigpit sa pagawa ng political strategy …hikhikhik! Malaki kasi ang bentahe kapag incumbent ka, kasi plus 20% ang advantage dahil merong makinaryas na nakaangkla..hikhikhik! Pero, sakaling mahina ang strategy, blow-out nalang ang hihintayin ng dating barako..hikhikhik!

Abangan niyo nalang mga kaperyodiko ang isa pang survey na ginagawa ng isa pang grupo para malaman natin kung ano ang trending..hikhikhik!

Simula ngayong Mayo, umpisa na ang pormahan blues dahil isa itong presidential election. Abangan natin ang nakakapanabik na kwento ng pulitika dito lamang sainyong Kaperyodikong Tagulipdan!
--------------