Panahon na naman!

TAGULIPDAN
Typography

Nagdagsaan na sa Catanduanes ang mga KSP na mga pulitiko nitong mga nakalipas na araw..hikhikhik! Ang ibig kong sabihin sa KSP ay Kilig Sa Pulitika..hikhikhik! Sila yaong mga politikong, kapag malapit na ang halalan, halos gusting libutin ang buong mundo para Makita at makilala ng mga botante..hikhikhik!

Kasama sa mga namataan nitong nakalipas na linggo, sina majority floor leader Gonzales ng Mandaluyong, Pasig congressman Roman Romulo na asawa ni former Pnoy apple of the eye Shalani na isa ring Catandunganon, Senador Toefisto Guingona na halos nilibot ang buong lalawigan sa loob ng ilang araw.

Meron pang LGU na nag-abot nap lake upang bulahin ang senador na siya ay adopted son..hikhikhik! Pero, tuwang-tuwa naman ang senador at halos lumabas ang lahat na ngipin maging ang kulangot sa ilong dahil sa Plaque of Appreciation..hikhikhik! Kaya nga lamang, daming nagpaabot ng reaksyon kung anong naiambag ni Gaingona sa naturang bayan at inampon na maging anak..hikhikhik! Anyway, kanya-kanyang gimik lang yan para hindi makalimutan sa proper timing..hikhikhik!
Todo naman ang oplan pakilala ni Mayor Obet Fernandez sa senador sa mga LGUs at mga opisyal nang dumating ito sa airport. Yong lang, hindi natin alam kung pag-alis ng senador sa Catanduanes matatandaan pa ang mga mukha ng mga opisyal..hikhikhik!

Anyway, Salamat sa oras na ibinigay ng senador, atleast nakita niya kung ano ang pangangailangan ng Catanduanes na pwede niyang matulungan sa pamamagitan ng legislation.
************
Sa lahat na mga bumisitang pulitiko at senator wannabes, medyo mas malapit sa panlasa ng Catandunganon si Kongresman Roman Romulo dahil ang kanyang mismong kabiyak ay lahing Catandunganon.

Kung hindi man kumandidatong senador si Romulo, swestyon ko na pakandidatuhin niyang kongresista ng Catanduanes ang kanyang asawang si Shalani..hikhikhik!
Una, artistahin si Shalani, ikalawa, may karanasan narin ito bilang opisyal ng Valenzuela at merong K saan mang anggulo. Sure ako na patok sa masa at gagawa ng pangalan sa kongreso at magiging popular ang lalawigan sakaling Manalo.

Maliban kasi sa talino at ganda ni Shalani, matutulungan siya ng kanyang asawa sa pagpanday ng mga panukala dahil abugado naman ang kanyang asawa..hikhikhik! Pero kailangan munang magparehistro na siya bilang botante kasi 1 year lang naman ang kailangan para sa residency bago ang halalan..hikhikhik!

Kaya nga lamang, mahihirapan siya kay kongresman Cesar Sarmiento dahil sure ako na itotodo ang kanyang mga performance, mga naipundar at resources sa loob ng dalawang termino para lamang hindi maging malas ang kanyang huling termino.

Marami kasing politiko ang natatakot sa huling termino kasi baka mabiktima ng “Malas-term”.hikhikhik! Kita kitzzz kaperyodiko!