Hangover

STRICTLY POLITICS
Typography

Sa Virac, tinalo ng pasyente ang doctor..hihikhikhik! Ito ang mga biruan ng mga bystanders matapos pataubin ni dating Mayor Cito Alberto ang incumbent na si Doc Santos Zafe..hihikhikhik! Tinutukan kasi ni Mayor Zafe ang circumcision ng mga kabataan na hindi naman pala botante...hikhikhik! talo siya ng sabungero na dumarami..hikhikhik!

Sa San Andres, tinalo ng doctor ang abugado. Kakaiba ang mahika ni Doc Romano. Come backing mayor si Tay kapareho ng comebacking mayor ng Virac na si Alberto. Sa San Miguel, hindi umubra ang mahika ni dating alkalde Francisco Camano sa palaban na alkaldesang si Mayor Edna Bernal. Tapos na kaya ang political career ni Camano? Marami din naman kasing proyekto si Bernal kaya't muling wagi sa mga San Miguelenyo..hikhikhik

Sa Bato hindi umubra ang mahika ng kontraktor na si Johny Rodulfo sa arkitektong si Mayor Leo Rodriguez. Ibig sabihin may asim pa ang kamukha ni Ruel Bernal sa bato at nadala pa ng kanyang bigote. Sa Bayan ng Gigmoto, tila ayaw na ng luma ng mga botante kung kaya't hindi makaungos si dating alkalde Armando Guerrero. Mabait naman kasi si Mayor Tayam at hindi nagkulay sa pamimigay.

Sa Caramoran, todo kayod ng mag-asawang Popa sa pagiging santa claus, kaya't hindi nasungkit ni Tess Qua ang kanyang dating korona. Tila hindi naging maganda ang estratihiya ni Qua sa laban samantalang geographically siya ang nasa advantage.

Ang sabi naman ng retired police officer Col. Brizo, oplan pakilala muna ang kanyang ginawa at ang muling pagpaimbulog sa susunod na halalan ay dapat pakaabangan. Isa umanong nakagandang karanasan para sa kanya ang nangyari dahil kahit hindi siya namigay ng pera, subalit hindi naman siya nazero sa halalan. Ayon sa kanya, wala talagang panama ang konkretong plataporma sa sandamukal na pera. Ang ikinatatakot niya umano ay ang pansamantalang kaligayan ng mga CAramoranon at siguradong simot at ubos na naman ang kaban ng naturang bayan kung hindi magiging vigilante ang kanyang mga kababayan.

Sa bayan ng Viga, nananatiling malakas si Mayor Abelardo Abundo sa kabila ng mahabang taong panunungkulan nito sa naturang bayan. Tumba naman si Mayor Gregorio Angeles sa Panganiban at ang dating laging talong si Robert Fernandez ay wagi na ngayon. Kaya't ang mga talo, dapat ini-evaluate niyo kung saan kayo nagkulang. Pero si Mayor Odilon Pascua, pasimple-simple lang at laging wagi sa laban sa kanyang ikatlong termino.

Sa Pandan, wagi ang dating taga Bombo Radyo, DZRH at dating PCSO Director. Dami siguro ng naipon ni dating mediaman na si Restituto De quiros at maging ang kontraktor na si Edwin Delos Santos_____ at incumbent mayor hindi umubra sa labanan. Sadya ngang napaghandaan ni pareng Resty ang Laban.

Sa Baras, parang hindi naging problema kay bise alkalde at mayor-elect Chito Chi ang laban dahil anointed ito ni Mayor at vice governor-elect Bong Teves.