Hocus PCOS

STRICTLY POLITICS
Typography

Nagsimula na ang mga election protest kaugnay sa katatapos pa lamang na halalan sa bansa. Ang palaging sinasabi ng COMELEC walang nangyaring dayaan dahil computerized na?

Para atang mina-mind set tayo ng ahensyang ito sa pagsasabing trusted na masyado ang computer kaysa sa tao? Ganun? Tiwala na sana ang taong bayan dahil mabilis ang resulta ng halalan. Ang masaklap dito dahil mas centralized ang daan dahil magagaling ang mga pinoy pagdating sa invention.

Sana naman bigyan ng kaukulang pansin ng mga kinauukulang ahensya ang posibleng tama nga ang hinala ng mga umaakusa. Bakit hindi hayaang ipresenta ang lahat na dokumento at magsagawa rin ng kaukulang imbestigasyon.

Kung sila sila mismo sa COMELEC ang mag-iimbestiga, siguradong sasabihin walang dayaan dahil isa itong defense mechanism, subalit kung pagtutuunan ng pansin, baka mas malala pa sa manu-manu style ang sistema ng dayaan.

Posible ngang nagkaroon ng hugos PCOS na baka lingid sa kaalaman ng mga kinauukulang ahensya.

***********

Kung mali ang alegasyon ni congressional candidate Cely Wong na nagkaroon ng dayaan sa halalan, may dahilan kung bakit wagi si Assec Sarmiento bilang kongresista ng lalawigan.

Pinakaunang kunsiderasyon ay ang geographical location. Tatlo kasi ang kandidato sa norte kung ihahambing dito sa Este sa katauhan nina dating congressman Verceles, Sanchez at Wong versus Sarmiento. Hindi maikakaila na nakakalamang sa bagay na ito sa Sarmiento.

Pero kung pagbabatayan natin ang performance ni Wong kumpara sa nakalipas na dalawang laban niya sa kaparehong pwesto malaki ang improvement ngayon. Lumalabas kasing hindi overwhelming ang lamang ni Sarmiento samantalang partida pa ang naging sitwasyon. Nangangahulugan din ito na ang trusted rating ni Sarmiento ay hindi masyadong overwhelming considering ang Virac ang may pinakamataas na boto.

Sa kabila kasi na hindi nakapagbigay ng pera si Verceles nakakuha pa ito ng malaking boto na umaabot sa 15,000. Nangangahulugan lamang ito na malaki sana ang tsansa ni Wong kung nakuha ang tamang estratihiya.

Marahil, hindi pa dumarating ang swerte ni Wong sa pulitika sa kabila ng kanyang pagpupunyagi. Hindi parin siya nadadala sa kabila ng sobrang gastos ang eleksyon sa lalawigan. Ang tanong, susubok muli pa ba si Wong sa susunod na halalan? kung tutuusin, nakatatlong termino na siya at hindi biro ang maging kandidato at consistent naman ang kanyang kayod at pagiging galante.

Siguro malaki ang paniniwala ni Wong sa kasabihang " ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw".