CHIZ Magic

STRICTLY POLITICS
Typography

Tila nga merong impluwensya ang endorsement ni senator Chiz Escudero sa ilang kandidatong wagi ngayong halalan.

Sa national level, parehong inindorso ni Chiz sina Noynoy Aquino at Jejomar Binay na siya ring pumapayagpag ngayon sa nagpapatuloy na canvassing ng COMELEC. Sadya nga bang co-incidence o talagang meron ding kakayahan si Escudero upang maging pangulo ng bansa?

Sa mga unang arangkada ng presidential race, patok ang pangalan ni Escudero sa survey dahil sa suporta ng mga estudyante at kabataan, subalit biglang nabago ang ihip ng hangin matapos pumaimbulog ang pangalan ni Noynoy ng mamatay ang kanyang ina na si Tita Cory, kaya't pumasya itong magparaya sa kanyang kaibigang si Noynoy.

Sa local level, ilan ding personalidad ang inindorso ni Chiz subalit pinalad kagaya ni Atty. Cesar Sarmiento na siyang nagwagi bilang kongresman ng lone district ng Catanduanes? Ang tanong, si Escudero na kaya ang magiging sagot sa pangarap ng mga Bicolano na magkaroon ng sariling presidente? Those remain to be seen. Tingnan natin ang mga susunod na kabanata.

***********

Nakuha ni Atty. Cesar Sarmiento ang geographical advantage kung kaya't nagwagi siya bilang kongresista. Marahil destiny rin ito sa kanyang matagal ng pangarap na maging opisyal ng lalawigan at pinagbigyan din ngayong nakalipas na halalan.

Nabago ang ihip ng hangin, kabaliktaran sa mga political survey na si Jun Verceles parin ang magiging kongresista matapos talunin noong isang taon sa pwestong gobernador. Tunay nga ang kasabihang huwag magbibilang ng sisiw kapag hindi pa ito napipisa sa itlog.

Marahil pana-panahon lamang ito at dapat patunayan ni Sarmiento na siya ang mas karapat-dapat ngayong manungkulan bilang kinatawan ng Catanduanes. Kung naging kontrobersiya noon si Santiago sa pagiging Santago, ano naman kaya ang magiging budge ni Sarmiento?

**********

Maituturing na si gobernador Joseph C. Cua na ngayon ang political genius sa lalawigan ng Catanduanes matapos pataubin ang kanyang mentor at mahigpit na katunggali na si cong. Joseph Santiago.

Sa unang salvo ng labanan, halos malaki ang tiwala ng kampo ni Jas na magko-collpase ang budget ni Cua lalo pa't kongresista ang kanyang kalaban, subalit hindi ito ang kinalabasan ng panaghoy. Pinakauna sa political history na natalo ng gobernador ang kongresista. Ginamit ni Cua ang kanyang pagiging incumbent upang sirain ang estratihiya ni Santiago, kaya't tuloy ang ligaya sa kapitolyo.

Ang tanong, sa pagkakawala nina Verceles at Santiago sa political landscape ng Catanduanes, Cua at Sarmiento na rin kaya ang maituturing na hari ng bagong pulitika sa Catanduanes?