Real Score

STRICTLY POLITICS
Typography

Halos 60 percent ng mga botante sa Catanduanes, undecided pa sa kanilang bobotohan sa pagka-gobernador.

Ayon sa survey, walang itulak kabigin sa dalawang malakas na kandidato sa pagka-gobernador sa pagitan nina incumbent Joseph Cua at kongresman Joseph Santiago. Super higpit at balisa pa rin ang mga botyante sa bayan ng Virac.

Lumalabas kasi na sa apat na kandidato, walang maituturing na alternatibo dahil hindi masyadong magalaw sina Montarde at Gianan. Dahil sa issue ng magkabilang panig, tanging solusyon umano nila ang pumili ng lesser evil?

Anyway, isa nakapaganda sanang pagkakataon kung nagkaharap sina Santiago at Cua noong Abril 20 dahil dito mo makikilatis ang may K sa dalawa. Tila yata nag-iiwasan ang dalawa dahil noong candidates forum sa CSC, wala rin si Santiago, subalit nandoon si Cua. Ibig sabihin, hindi pwedeng paghaluin ang langis at tubig.

◊◊◊◊◊◊◊◊

Ayon sa ilang political analysts, dapat magkaroon ng 50-50 share ang dalawa sa bayan ng Virac upang maging malakas ang kanilang boto. Sakali kasing madomina ito ng isa, malaki ang pag-asang ito na ang magiginig determining factor upang manalo.

Kung simpatiya ang pagbabatayan, posibleng hindi mangyari ang solid vote kay Santiago dahil kini-claim din nitong maraming nabiyayaan ng kanyang negosyo maging sa employment at serbisyo, dagdag pa ang ilang naipundar na leaders nito. Batay sa pinakahuling impormasyon, out of 63 barangays, tila 53 di umano dito ay nasa kampo ni Cua. Tanong, ang pagiging malakas ni Cua sa mga Punong Barangay sa lalawigan particular sa Virac, pwede kayang maiconvert sa boto?

Siyempre, malaki ang hatak nito dahil class A leaders ang mga Punong Barangay dahil merong balwarte ang mga ito. Nanalo ang mga ito sa barangay dahil sa kanilang pamilya.

Dahil sa pagbaliktad ng mga kapitan, leaders umano ang pampuno rito ng kampo ni Santiago. Magkaganun pa man, hindi pa ngayon ang ang totoong laban sa halalan.

Isa sa mga kakayahan ni Santiago pagdating sa halalan dahil malaki ang alkansiya nito sa pagiging kongresista. Sa panig naman ni Cua hindi pwedeng i-discount ito dahil malakas din ang partido na kinaaniban nito sa panig ni Manny Villar kung saan, maliban sa suporta sa partido, mapera di umano ang negosyante na ka tandem nito.

Kung pagbabatayan ang real score ng dalawa, halos hindi nag-iiwanan ang mga ito sa ere dahil sa kanya-kanyang estilo.

Anayway, hindi pa ngayon ang totoong labanan, kundi Mayo 10 madedetermina ang bigatin sa dalawa.

◊◊◊◊◊◊◊◊

Sa bayan ng San Miguel, matindi ang psy war ng magkabilang panig. Hindi nagkakalayo amng sitwasyon ngayon kumpara noong nakalipas na halalan. baliktad lamang ang sitwasyon dahil ang incumbent ngayon si Bernal na siyang humamon noon sa asawa ni Camano. Hindi rin masisisi si Bernal dahil, ang ginawa noon ni Camano kay Bernal ay nagpainit sa hamunan ng magkabilang kampo. Sanay, walang masakripisyong buhay sa naturang bayan.

◊◊◊◊◊◊◊◊

Sa bayan ng Caramoran, tila inindorso umano nina Mayor Agnes Popa at Tess Qua ang kandidatura ni retired Col. Ricardo Brizo sa pag-umpisa ng kanilang kampanya. Ang sinabi umano ng dalawa sa magkahiwalay na meeting de avance " Kung ayaw na ninyo sa akin, si Carding Brizo na ang inyong botohan". Kaya pala, masyadong na-touch si mayoralty Brizo sa endorso ng dalawa.

Maganda ang nagiging takbo ng kampanya sa Caramoran dahil hindi masyadong maingay sa kabila ng mortal na magkaaway dito sina Popa at Qua dahil sa issue ng recount.

◊◊◊◊◊◊◊◊

Dito sa bayan ng Virac, palakasan ng mga sound system ng mga kandidato. Halos mabingi ka sa tunog ng mga nagbabatingaw na mga matraka dahil sa jingle ng mga kandidato. Sana naman hindi masyado kalakasan na halos ingay na sa halip na music ang mapapakinggan mo.