Rigodon

STRICTLY POLITICS
Typography

Habang papalapit ang halalan, tila unti-unti ng nalalagas ang lakas ng Lakas-Kampi. Pinaka-latest ang paglipat ni Kuya Joey Salceda kay Nyoy Nyoy na hindi naman bobotohan ni baby James..hahaha!

Ganito kasi yan, kapag malapit na ang botohan, marami ang mga alliance at dis-allignment ang nangyayari dahil naghahanap na ng kani-kanilang longga para sa kanilang self-survival. Malaking setback ito sa administration ticket dahil malaki rin ang impluwensya ni Salceda sa Albay. Malaki rin ang botante ng Albay.

Howabout sa local level. Sa Catanduanes tila malakas parin ang lakas, subalit sa ibang lalawigan tila masyado ng mahina ang kanilang lakas.. Anyway, ang sabi naman ng iba, kung talagang determinado kang manalo, wala ang mga partidong yan kasi kung minsan iyan pa ang nagiging susi ng hindi magandang laban dahil nakatali ang kamay mo sa partido.

*************

Merong mga alkalde ngayon na purkit nakaupo sa silya ng pagiging opisyal, tila ayaw ng pagbigyan ang mga kalaban na makagamit man lang ng plaza. Akala mo kung pag-aari na nila ang plaza. Do not do unto others what you don't want others do unto you ika nga. Without mentioning names, merong mga mayoralty na halos nagtiyaga sa tabi-tabi maipakita lamang sa tao na seryoso sila sa panliligaw sa mga botante. Remember, pinahiram lang sainyo ang puwestong yan, kaya't huwag masyadong kidit..kayo rin!