Kita-Tad-Kita

STRICTLY POLITICS
Typography

Maganda ang komento ng isang loyalista ng isang senador na bumabalik ngayon sa political arena. Aniya, kahit na sa tingin niya dehado ngayon sa halalan ang kanyang manok, ikakampanya niya ito dahil nakikita niya ang kakayahan nitong makapaglingkod muli sa taong bayan.

Ang tinutukoy niyang senador ay si senador Francisco " Kit" Tatad. Siya ay tubong Gigmoto, Catanduanes at malaki ang naiambag sa pamamalakad ng pamahalaan sa bansa bilang national figure. Simula ng maging tagapagsalita ito ng yumaong diktadoryang Ferdinand Marcos, naging assemblyman at naging senate majority floor leader sa panahon ni Erap.

Ayon sa ilan, hindi masyadong kilala si Tatad sa sarili niyang bayan at maging sa lalawigan dahil halos wala lagi ito. Hindi rin maalala kung may mga nagawa nga ba ito sa Catanduanes.

Alam niyo mga kabayan, pagdating sa mga proyekto, hindi masyadong naisasapubliko ang mga nagawa nito dahil tila malihim at hindi mahilig sa publisidad. Ayon naman sa kanyang loyaliista, ginagawa lamang ni Tatad ang kanyang responsabilidad.

Para sa kabatiran ng lahat, kung proyekto man lang ang ating tingnan, baka talunin pa ang ilang opisyal sa Catanduanes na nagsilbi ng ilang termino. Sino ang hindi maka-alala sa mga malalaking multi-purpose gym sa bawat munisipyo at merkado sa ilan? Katulong din sya sa pagrenovate ng Plaza Rizal ng Virac noong mga nakalipas na taon at iba pang proyekto na masasabi mong hindi pipitsugin.

Lilinawin ko po mga kaperyodiko, hindi ko kilala at hindi ko rin siya nakausap o tinawagan man lang na idepensa ang kanyang political career, subalit nais lamang nating bigyan ng pansin na kahit papano, tangkilikin natin ang sariling pambato. Tatad itself kung papakandidatuhin natin bilang provincial official, posibleng hindi manalo, subalit sa national level, meron itong mga followers at isa sa mga aktibo bilang senador sa kanyang panahon.

Bilang Bicolano at Catandungeño, dapat huwag nating kalimutan na siya pa rin ay anak ng ating bayan na maipagmamalaki dahil sa kanyang angking talino at kakayahan.

***************

Konting analysis sa political scenario sa Catanduanes. Tanong ng isang political analyst, sino ang nagpauso ng chopseuy politics sa Catanduanes? Ayon sa ayaw ng magpabanggit ng pangalan, si Congressman Joseph Santiago. Bakit kamo? Aniya, ang ibig sabihin ng chopseuy ay ang pagkakabalasa ng baraha ay hindi naayon sa pagkakasunod sunod. Sa pagkain, ang chopseuy ay ang pinaghalo-halong gulay na masarap din tikman.

Unang sumalang si Santiago sa larangan ng pulitika na merong malakas na tandem noon. Ang pinagsamang SSS laban sa Verceleses tandem. SSS stands for, Santiago, Sanchez at Sarmiento. Bagama't nalaglag si Sanchez, pananalo ang SS. Sa kanyang ikalawang termino bilang kongresista, ibang straight party parin ang kanyang ginamit sa pamamagitan ng JAS-CUA tandem, subalit hindi nagtagumpay. Sa ikatlong termino nag-shift siya ng strategy kung saan, naging front ang SAVE Catanduanes (Santiago-Verceles tandem), subalit, pangilalim si Cua kung kaya't naisahan ang political genius na si Verceles kaya't nawala ito sa political landscape.

Dahil dito, si Santiago narin ang matatawag na political genius ng Catanduanes ngayon. Sakaling mapagtagumpayan niya ang mabigat na laban sa kanyang dating kaibigan, posibleng ituloy niya ang pagiging gobernador o kaya't bumalik muli ito sa kongreso sa susunod na halalan.

Ang tanong ngayon, sino naman kaya sa mga kaibigan at kapartido ni Santiago ang makakalaban niya na siya ring tutumba sa kanyang political career sa ma susunod na eleksyon? Napapansin ko kasi, cycle ang sitwasyon ng mga magkakalaban na nagkakaalyado, at nagkakalabang muli upang alisin ito sa eksena ng pulitika.

Tunay nga ang kasabihan. In politics, we have no permanent friends, because they are all temporary friends and temporary enemies.

***************

Sa bayan ng Caramoran, marami ang nagsasabing nais nilang lalaki (male) na rin muna ang subukan o ang magpalakad ng local na pamahalaan dahil halos wala ring naging sound governance ang tatlong sunod-sunod na kababaihang nahalal bilang mga alkalde.

Kilala rin ang bayan ng Caramoran sa mga botante na mababaw lamang ang kaligayahan. Bakit aniya? Dahil nais lamang nilang kumita ng panandalian sa panahon ng halalan at sa buong tatlong termino, nakatingala sila't naghinihintay na biyaya sa mula sa kalangitan.

Ayon sa ilang sectors, noon yon at hindi na ngayon. Tila lalaki aniya ang public demand ngayon ng taong bayan sa pag-asang mas malakas ang braso ng lalaki kaysa sa babae? Sana nga, mabago na rin ng botanteng Caramoranon na ang kanilang trademark ay politics producing capital ng mga alkalde na kahit kulang sa kakayahan sa pagpapatakbo ng pamahalaan, maging aspeto ng educational background kapag merong ipapamudmod ng pera pasok at sure ball ang panalo. Kelan kaya mawawala ang usapin sa illegal logging, fishing maging sa issue ng droga na diyan di umano ang entry at exit point?

Hasta lavista baby!!