MEGA Bout

STRICTLY POLITICS
Typography

Arangkada na ngayon ang kampanya sa local level. Sa lalawigan ng Catanduanes, animoy pasko ang mga puno sa dami ng mga tarpaulin at mga postyers ng mga kandadito.

Alam niyo bang sa tarpaulin pa lamang butas na ang bulsa mo? Kaya't very expensive na ngayon ang halalan. Patok naman ngayon ang negosyo ng mga printing press particular ang merong tarpaulin printing.

*************

Kung pagmamasdan mo ang unang salvo ng kampanya makikitang ang talagang mainit na magkakabakbakan ngayon ay ang dalawang kandadito sa gubernatorial post. Hindi maikakaila na ito ang magiging unang attempt ni Congressman Santiago sa naturang pwesto, samantalang ikatlong laban na ito ni Cua.

Sa pulitika, wala pang halos talo si Santiago kumpara kay gobernador Cua na nakaranas ng talo sa kamay ni dating gobernador at congressional candidate Jun Verceles. Tanong; Sino kaya ang magtatagumpay sa dalawang biblical name na Joseph bilang gobernador sa Catanduanes?

Kung posters ang pag-uusapan, walang makakatalo ngayon sa nagkalat na posters ni Santiago, samantalang hindi rin ganun karami ang posters ni Cua maging iba pang kandidato sa ibang pwesto.

Kung political history ang pag-uusapan, masasabing batikan si Santiago kumpara kay Cua. Unang hinimok ni Santiago si Cua na sumama sa kanilang grupo mula sa grupo noon ni Verceles matapos lutuin ang recall election kontra kay Verceles. Ang grupo ni Santiago ay matagal ring gumawa ng paraan kung papano pabagsakin si Verceles, subalit ngayon natalo nila si Verceles at sila na rin ang magkakasubukan.

Hindi pwedeng i-discount ang kakayahan ni Cua sa kanyang mga karanasan sa pagiging alkalde at pagiging one termer governor. Dahil sa kanilang maiksing pagsasamahan, posibleng nagkaalaman na ang dalawa sa kanilang kahinaan at kakayahan particular kung pulitika ang pag-uusapan.

Ayon sa ilang political observers, ang kakayahan ni Santiago ngayon ay ang pagiging stable pagdating sa pondo. Kung totoo ang sinabi ng isang engineer na kahit tatlong election pa ay merong reserve ito upang pondohan ang pangangailangan ng mga leaders.

Kilala si Santiago sa pagiging magaling tumaya sa magkabilang panig maipanalo lamang ang kanyang kandidatura na dapat ding pag-aralan ni Cua. Sa maneuvering kasi pagdating sa special operation at sa last hour dapat merong kang tricks upang tiyaking hindi babaligtad ang mga kasangga mo maging mga botante.

Samantala, ang pagiging soft spoken at pagiging madaling lapitan naman ang ipinagmamalaki ng mga handlers ni Cua. Maraming mga pagkakataon kasing hindi mahirap hagilapin sa anumang simpleng okasyon ang gobernador, kaya,t malaki aniya ang paniniwala nilang may K ang kanilang manok kumpara sa kongresista.

Masasabing megabout ang labang ito sa kwento ng pulitika sa Catanduanes. Malaking katanungang mabibigyan ng kasagutan sa May 10 ; kagaya ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather na inaabangan ng karamihan. Kung si Mayweather wala pang talo kahalintulad din ito ni Santiago samantalang inuugnay naman kay Pacquiao si Cua... Abangan ang MEGABOUT!!