Padabaon

STRICTLY POLITICS
Typography

Nagpapahiwatig lamang na pareho ang mga plano ng magkalabang Joseph sa lalawigan ng Catanduanes. Ang slogan ngayon ni Cong, Joseph, "Padabaon ta ang Catanduanes" samantalang merong pinapauso ngayong tagline sa isang radio na "Padaba ko si Boboy"...hehe..

Tunay ngang sinusubok ng pagkakataon ang dalawang dating magkaibigan at sure ako na hindi mapipigilan ang pagkakaroon ng psy war ng mga ito, lalo't higit papalapit na ang campaign period.

Noong isang linggo, halos nagpakita na ng pwersa si Cong, Santiago sa pamamagitan ng motorcade kasama ang kanyang mga alipores mula sa iba't ibang munisipyo. Hindi nababahala si Jas at malaki ang kanyang tiwala na mapapasa kanya ang provincial welterweight crown habang tuloy din sa pagiging humble effect ng gobernador. Sure din siya na nasa kanya ang simpatiya ng mga Catandunganon at mapapatunayan umano ito sa mga lumalabas na surveys.

Sa isang panayam ng BP, nagpasaring si Santiago hinggil sa umanoy keeping na ginawa ng grupo ni Cua sa isang beach resort sa mga Punong Barangay ng Virac. Itinanggi naman ito ng gobernador dahil nagkataon lamang umanong matagal ng naka-sked ang pagtitipon at hindi niya naman pinigilan ang mga ito pagkatapos ng meeting.

Ngayon pa lamang marami na ang nagugulumihanan kung sino ang kanilang iboboto bilang gobernador, subalit, ayon sa isang observer, firm siya na siguradong Joseph ang kanyang bobotohan..hehe

***********

Nagpahayag naman ng kagalakan ang mga supporters ni retired general Ricardo "Carding" Brizo sa positibong feedback ng Caramoranon hinggil sa pagtakbo nito bilang alkalde. This is the first time na merong retired PNP/military official na tatakbo sa naturang bayan matapos ang siyam na taon na dinomina ng mga babaeng leader ang mayorship ng naturang bayan.

Sa resulta ng isinagawang survey ng isang provincial leader, lumalabas na 65 porsiyento ng mga botante sa Caramoran ay nais subukan ang lalakeng kandidato sa pag-asang magkaroon ng malaking pagbabago sa naturang bayan. Dahil umano ito sa mga nagsilabasang issue na walang magandang direksyon ang naturang bayan.

Lumalabas na 35 posiyento ay hati ang loob kung muling papayagan ang dalawang babae na halos dalawang ulit ng nagkasubukan sa laban na merong tig-isang panalo at isang talo. Ayon sa ilang sector, tila magkakaroon na ng katuparang mapalitan ang pagkakakilanlan sa Caramoran na pinagkakaitan ng mga leaders samantalang marami namang potentials. Kung naging pera umano ang naging batayan nila sa mga nakalipas na araw, ngayon ay magiging mahinahon sila na huwag iboto ang mga nasubukan na at wala naming naibugang mga dating leaders.

Ayon sa isang senior citizen, maliban sa merong konkretong plataporma si Retired gen. Brizo, naniniwala silang malaki ang maibabahagi sa pagbabago dahil sa mga karanasan nito bilang opisyal sa nakalipas na mga taon.

Caramoran Bangonon ta movement na binubuo ng mga volunteer members mula sa multi-sectoral group ang sumusulong sa kandidatura ni Gen. Carding Brizo.