Sanchez on the Go

STRICTLY POLITICS
Typography

Tila lumalaki na ngayon ang organisasyon ni dating National Electrification Administration Chair Manolo Sanchez, ang kumakandidato bilang kongresista na katunggali nina Verceles, Wong at Sarmiento.

Batay sa impormasyon, tila bumabango na umano ang pangalan nito sa 315 barangays sa buong lalawigan matapos simulan na nito ang pag-ikot kamakailan. Ayon sa kampo ni Sanchez, double time umano sila ngayon at nakikipagsabayan sa mga malalakas na kandidato upang ipakilala ang sarili. Bagama’t baguhan si Sanchez, maswerte namang nakuha nito ang suporta ng mga independent candidates sa local level o mga munisipalidad na makakatulong ng malaki sa organisasyon.

Prayuridad ni Sanchez ang elektrisidad na maging sustainable at hindi kapareho ngayong halos bawat araw ay merong brownout. Dahil malaki umano ang kanyang karanasan sa pagmanage ng electrification, alam niya umano kung papano bibigyan ng solusyon ang problema. Inaasahang ang koneksyon sa mga malalaking kompanya at mga ahensya ng pamahalaan ang makakatulong ng malaki upang mapa-angat ang ekonomiya ng pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes.

Hindi naman nababahala si Sanchez sa mga lumalabas na posibleng maapektuhan siya ng issue hinggil sa pinsan nitong si dating governor Hector Sanchez. Ayon sa kanya, hindi naman umano pwedeng ibato kay Juan ang mali ni Pedro. Ang mahalaga umano’y seryuso siyang paglingkuran ang taong bayan bilang alternative candidate at merong buong pusong paghahangad na maibigay sa Catanduanes ang matagal ng pangarap na pag-unlad.

***************

Matindi na ang bangayan ng ating mga senador dahil halos karamihan sa mga kandidato bilang pangulo ay nasa naturang kapulungan. Si Manny Villar ang apple of the eye ngayon dahil tila umaangat ang popularidad nito kumpara sa mahigpit a katunggaling si Noynoy Aquino.

Ayon naman sa ilan, bakit ang dalawang ito ang dapat bigyan ng pansin ng mga botante. Marami naman di umanong mga presidentiables ang mas matatalino pa sa mga ito at malinis ang mga pangalan kabaliktaran sa merong bahid ng katiwaliang C-5 at taga at ang Hacienda Bulshita. Nandiyan naman di umano si Gordon na kilala bilang statesman at proven na ang galing. O di kaya pwede naman si Bigo…este ..Gibo.