Devide and Conquer

STRICTLY POLITICS
Typography

Inaasahan natin na kapag maging estable na ang mga nasa national level, madali na naring magkaroon ng katuparan na mabuo ang line-up sa local level, lalo na’t nakadepende sa taas ang mga line-up sa lalawigan.

Gaano katotoo ang impormasyong, posibleng muling magsanib ng pwersa ang grupo ni Cong. Santiago at dating gobernador Jun Verceles? Bagama’t imposible sa iba, subalit hindi umano ito sarado sa panlasa ng parehong batikang pulitiko.

Ang nangyari noong nakalipas na halalan, “devide and conquer” ang naging strategy nina Santiago at Cua at ano naman kaya ang scenario ngayon? Ayon sa isang political analyst sa lalawigan, imposible ang bagay na ito dahil nagkaroon na ng lamat ito noong nakalipas at kung mangyayaring muli ngayon tila nagbabadya ng maling direksyon ang kampo ni Verceles.

Sa kabilang banda, kung gobernador si Santiago at Congressman si Verceles, wala na sigurong dahilan na mangyari ang devide and conquer strategy kasi magkakaroon ng head on collision ang magkaibigang Cua at Santiago. Kung matutuloy kasi si Escudero posibleng si Jas ang gobernador at Verceles umano ang congressman. Lumalabas na si Cua ang magiging gobernador ni Senator Manny Villar sa Catanduanes.

Kung mamgyayari ito, posibleng magkaroon ng tandem si Cesar Sarmiento at Cua o kaya Architect Henry Olonan as Congressman. Saan naman makikipag-alyansa si Manay Cely Wong? Kung sabagay, Cely itself handa umano sa laban kahit ano pa ang mangyari dahil matagal ng nakahanda ang logistics para umano sa ikatlong sultada.

Sagot naman ng ilan, popular lagi sa halalan si Mrs. Wong, ang problema lamang di umano ay ang machinery dahil skeletal ang pwersa at sa leaders lamang nagre-rely unlike kung maglagay siya ng mga kandidato down to the municipal level, meron mga taong dadapa sa kanya.

Remember, ang laban sa pulitika at hindi lamang sa kung meron kang pera, kundi kung papano mo papaikutin at aayusin ang management ng pera at mga tao. Ilan pa sa mga puna sa grupo ni Wong ay ang ilang mga related leaders na umano’y personal interest ang mga target. Kung hindi umano makikita ni Wong ang pagkakamali sa nakalipas na halalan, posibleng mananatiling panaginip na lamang ang kanyang hangaring maging kongresista sa lalawigan ng Catanduanes.