Sa Virac, tinalo ng pasyente ang doctor..hihikhikhik! Ito ang mga biruan ng mga bystanders matapos pataubin ni dating Mayor Cito Alberto ang incumbent na si Doc Santos Zafe..hihikhikhik! Tinutukan kasi ni Mayor Zafe ang circumcision ng mga kabataan na hindi naman pala botante...hikhikhik! talo siya ng sabungero na dumarami..hikhikhik!

Tila nakakabinging katahimikan ang maoobserbahan mo sa lalawigan ng Catanduanes pagdating sa gubernatorial post. Ibig bang sabihin, walang magiging kalaban ang incumbent na si Boboy Cua?

Habang papalapit ang halalan, tila unti-unti ng nalalagas ang lakas ng Lakas-Kampi. Pinaka-latest ang paglipat ni Kuya Joey Salceda kay Nyoy Nyoy na hindi naman bobotohan ni baby James..hahaha!

Inaasahan natin na kapag maging estable na ang mga nasa national level, madali na naring magkaroon ng katuparan na mabuo ang line-up sa local level, lalo na’t nakadepende sa taas ang mga line-up sa lalawigan.

Nagsimula na ang mga election protest kaugnay sa katatapos pa lamang na halalan sa bansa. Ang palaging sinasabi ng COMELEC walang nangyaring dayaan dahil computerized na?

Nagpapahiwatig lamang na pareho ang mga plano ng magkalabang Joseph sa lalawigan ng Catanduanes. Ang slogan ngayon ni Cong, Joseph, "Padabaon ta ang Catanduanes" samantalang merong pinapauso ngayong tagline sa isang radio na "Padaba ko si Boboy"...hehe..

More Articles ...