Kagawad, 4 iba pa, dakma sa drug den

POLICE REPORT
Typography

VIRAC, CATANDUANES – Isang barangay kagawad mula sa munisipyo ng Pandan at apat na iba pa mula naman sa iba’t-ibang barangay ng Virac ang nadakma ng pinagsanib na pwersa ng Virac Police sa pamumuno ni Deputy COP Inspector Mark Anthony Ferwelo at ng mga operatiba mula naman sa Provincial Intelligence Branch ng Provincial Police Office sapamumunoni Chief Inspector Titong mula sa isang pinaghihinalaang drug den.

Ang operasyon ay kaagad ipinatupad dakong hapon noong ika-2 ngOktubre kasunod ng Search Warrant na inilabas ni RTC Executive Judge Lelu P. Contreras laban sa isang nagngangalang Melvin Camacho mula sa barangay Capilihan. Batay sa nasabing mandamiyento ng husgado, may iniingatan umanong iligal na drogasi Camacho kung saan ang tahanan ay ginagamit bilang isang drug den.

Ganoon pa man, wala sa kanyang tahanan si Camacho nang isilbi ang Warrant. Ang naroon nainabutan ng otoridad ay ang maybahay nito na si Dominga Camacho, ang apat na musmos na mga anak at apat ding estranghero na kinilala sa mga pangalang Ramil Mendoza aka Manuel na isang barangay kagawad ng barangay San Roque ng Pandan, Jovencio Aguilar, Deo Tapalla at Rodel Guevarra.

Sa tahanang inuukupa ni Melvin Camacho, narekober ng pulisya ang isang paketeng pinaghihinalaang droga, ilang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang drug residues gayundin iba’t-ibang paraphernalia.

Agad ni-rescue ng MSWDO ng Virac ang mga anak nina Melvin at Dominga. Ang mag-asawa ay nahaharap kasong paglabag sa RA 9165, samantalang nakatakda naming papanagutin ang mga iba pa bilang mga visitors of a drug den. (RAMIL D. SOLIVERES)