PCL week ng Catanduanes naging matagumpay

TOP STORIES
Typography

Virac, Catanduanes – Ipinagdiwang ng Philippine Councilors League Catanduanes Chapter sapamumuno ni Liga President at Ex-officio Provincial Board Member Shirley A. Abundo ang PCL week sa pamamagitan ng tatlong araw na sports fest.

Unang ginawa ang Fun Run mula Catanduanes State University at pagsasayaw ng Zumba sa Plaza Rizal sa unang araw nito noong nakaraang Septyembre 28, 2018 alas singko ng umaga na nilahukan ng ibatibang ahensya de gobyerno at ng pribadong sector.

Matapos ito ay sinundan ng isang programa kung saan ito ay dinaluhan ng mga panauhing pandangal na sina Congressman Roman T. Romulo ng Pasig City, PCL National President Maybelyn Dela-Cruz Fernandez at Bb. Shalani Soledad Romulo, dating konsehala ng Valenzuela City na may dugong Catandunganon.

Nagingaktibonamanangmgamyembro ng nasabing organisasyon mula sa ibati-bang Local Government Unit salalawigan at lumahok sa mga aktibidad na inihanda ng tanggapan ng PCL sa pangunguna ni PCL Provincial President Abundo. (Jinky Tabor)