Pagdalaw ng ambassador ngTsina, inaasahang magdadala ng grasya

TOP STORIES
Typography

VIRAC, CATANDUANES – Inaasahang malakiang oportunidad na maaring asahan ng lalawigan ng Catanduanes sa napipinto at kauna-unahang pagdalawng isang mataas na opisyal ng pamahalaang Tsino sa katauhan ni Ambassador Zhao Jianhua.

Ayon kay Gov. Araceli B. Wong, kinumpirma na ng Chinese Embassy sa bansa ang pagdating ni Jianhua sa susunod na linggo, Oktubre 12 at mananatili ito rito sa loob ng limang araw o hanggang Oktubre 16. Dagdag pa ng gobernador, matagal na umano niyang inaanyayahan ang Ambassador na dalawin ang Catanduanes hindi lamang dahil sa maraming Tsino sa lalawigan kundi sa maaring assistance na makuha mula sa pamahalaan ngTsina.

Hindi pa inilalabas ang itinerary ng Chinese Ambassador ngunit tiya ku manong makikipagpulong ito sa kanyang mga kababayang Tsino gayundinsa matataas na opisyal ng lalawigan.

Si Jianhua ay isa lamang sa mga dignitaries na inanyayahan ng gobernador na makilahok sa pagdiriwang ng Catandungan Festival. Ayon kay Tourism Officer Carmel Garcia, marami umanong inihahandang sorpresa ang gobernador para saCatandungan, na aniya’y tiyak na maghahatid ng lubos na kasiyahan sa ating mga kababayan. (RAMIL D. SOLIVERES)