Pambabatikos sinagot ni Wong

TOP STORIES
Typography

Virac, Catanduanes - “Hindi po nagkulang ang probinsiya ng suportasa EBMC. Angproblema ay ang Sistema kung papaano nila ipinatutupad at ginagasta ang pera” – Gov. ManayCely Wong

Virac, Catanduanes – Sinagot ni Gobernadora Manay Cely Wong ang mga batikos na ibinato sa kanya ng bise-gobernador ng lalawigan na inaasahang magiging mahigpit nitong makakatunggali sa pulitika sa susunod na taon.

Sapanayam ng media, inihayag ng bise-gobernador ang kanyang pagkadismaya sa umano’y kinahinatnan ng EBMC matapos pumalya ang kasalukuyang administrasyon na paglaanan ang ospital ng ponding Limampung MilyongPiso (P50Million) bilang dagdag puhunan upang makabangon angoperasyon nito.

Sagot ni Wong, walang naibigay na mungkahi ang mga nambabatikos na ito sa kanya kung papaano maisasaayos ang bara-barang operasyon ng nasabingospital ng datnan niya ito noong taong 2013.

Depensa ng gobernadora, hindi matutugunan ng P50 Milyon ang mga pangunahing suliranin ng ospital katulad ng pagsasaayos ng HOMIS (computerization ng ospital), pagsasaayos ng imbentaryo ng mgagamot, at ang pag-uugali ng ilangempleyado ng ospital na kinakailangang isaayos.

Paliwanag ng opisyal, umaabotsa 45 porsyento ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng pamahalaang lalawigan ang napupunta sa mga ospital na aabot din sahalagang P50 Milyon na napaglaanan nito ng pondo ng hindi naaapektuhan ang ibangserbisyo ng pamahalaang lalawigan.

Ani Wong, 20 porsyento lamang o halos 20 milyong piso mula sa badyet ng pamahalaang local ang dapat na ilaan sa mga ospital kung kaya’t sumobra pa nga ang probinsiya sa tulong na ibinigay dito.
Kung inaasahan umano ng mga bumabatikos sa kanya na mayroong magpapautang ng P50 Milyon para sapangangailangan ng ospital nagkakamali angmga ito dahil walang business activity ang naturang ospital na maipapakita na maging pangsuweldo nito sa mga manggagawa kulang pa mula sa kinikita nito.

Sakabila ng problemang ito, inihayag ni Wong na hindi ito huminto at inisa-isa nito ang pagtugon sa mga suliraning nararanasan ng ospital. Pumunta umano ito sa national office ng Department of Health (DOH) upang iparating ang problema sa probinsiya.

Mismongang DOH umano ang nagsagawa ng pagsisiyasat at napag-alaman ng ahensiya na depektibo ang operasyon ng lahat ng ospital sa buong lalawigan katulad ng nararanasan sa iba pang lugar sa bansa at magingsa Metro Manila.

Siniguro ng punong-ehekutibo na sa ilalim ng kanyang pamamahala ay natitiyak nitong mabibigyan ng tamang lunas ang mgamaliliit at nangangailangang pasyente.

Ibinalik naman ni Wong ang hamon sa kaniyang kritiko na makipagtulungan sa kanya imbes na mambatikos at maghugas-kamay sa publiko kung talagang sinsero itong matulungan ang pangangailangan ng mamamayan.

Pinaalalahanan ng punong-ehekutibo ang mga kritiko nito na hindi lamang ang gobernadora ang namumuno ng probinsiya bagkus mayroong kani-kaniyang partisipasyon ang lahat ng departamento katulad ng tamang lehislasyon at pagsasabatas na kinakailangan sa probinsiya.

Pinasaringan din ni Wong anga kusayong binalewala nito ang kahilingan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) namagkaroon ng opisina sa kapitolyo sapagsasabing Malaya itong makapagtatag ng kanilang tanggapan saan mang lugar nanaisin nito.

Paglilinawni Wong, namamahagi ng tulong ang naturang ahensiya ng pamahalaan para sa mga nangangailingan ng tulong kung kaya’t walang dahilan upang hindi ito makapagpatayo ng sarili nitong tanggapan.

Nauna na umano nitong iminungkahi sa PCSO na magtatag ng tanggapansa loob ng EBMC compound kung saan naroroon ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong ng ahensiya. Ani Wong, hanggang sa ngayon hindi naman nila tinanggap ang mungkahi niyang ito sa halip iginigiit na sa loob ng kapitolyo maitatag ang opisina.

Suspetsa ng gobernadora ang umiinit nang pulitika sa islang-probinsiya angpuno’t-dulo ng mga pambabatikos na ibinabato sa kaniya.

Pagbibidani Wong, ang Seal of Good Local Governance (SGLG) na iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kaniyang tropeo na nagpapatunay na maayos ang pamamalakad nito sa pamahalaang lalawigan ng Catanduanes.

Pagwawakas ni Wong, ngayon ang tamang panahon upang makamit ng isang tao ang kanyang ambisyon kaya’t welcome sa kaniya sinum anggustong humamon sa kaniyang puwesto. (PIO)