Alkalde ng San Andres, hindi bibigyan ng kalaban ng kampo ni BG Teves

TOP STORIES
Typography

Virac, Catanduanes-Hindi bibigyan ng kalaban sa ilalim ng tiket ni Vice Governor Jose "Bong" Teves Jr., si San Andres Mayor Peter Cua sa darating na 2016 National and Local election, kung sakaling magre-elect itong muli.


Ito ang binigyan linaw ni Teves, sa mga local and broadcast media nitong Sept. 28, 2015 matapos magdeklara ng kandidatura bilang gobernador ng lalawigan sa ilalim ng National People’s Coalition (NPA)
Sa pahayag ni VG Teves, sinabi nitong karapat-dapat ang alkalde sa kanyang posisyon, kung kaya't kailangang maipagpatuloy ni Mayor Cua ang kanyang mga nasimulang magagandang programa sa unang termino nito sa pwesto.

Marami umano itong natutulungan, mula sa transport sector, Senior Citizen, Farmers at mangingisda, maging ang Health program at lalong-lalo na ang libreng sakay ng mga estudyante mula sa Brgy Lubas, Cabungahan, Hilauan at Barihay na nag-aaral sa Manambrag National High School at maging ang nasa Brgy. Tibang at Puting Baybay na nag-aaral sa Mayngaway National High School.

Una ng, pinuri ni DepEd Secretary Armin Luistro ang programang ito ni Cua, na ayon kay Teves, ilan lamang aniya sa mga programa ng alkalde, na dapat maging halimbawa ng isang mabuting lider sa kanyang nasasakupan at tularan ng ibang alkalde sa ating Probinsya na talagang pagtulong sa taong bayan ang kanyang tinutuonang pansin.(Jolly Atole)